Martes, Nobyembre 22, 2022

Pahayag ng KPML sa 6-Days Campaign against VAWC

PAHAYAG NG KPML SA 6-DAYS CAMPAIGN TO STOP VAWC
mula Nobyembre 20 - World Children's Day
hanggang Nobyembre 25 - International Day for 
the Elimination of Violence Against Women
Nobyembre 22, 2022

STOP VAWC!
WAKASAN ANG KARAHASAN 
SA MGA BATA AT KABABAIHAN!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa anim na araw na kampanya upang itigil o mawakasan na ang VAWC o Violence Against Women mula Nobyembre 20 - World Children's Day (Pandaigdigang Araw ng mga Bata) hanggang Nobyembre 25 - International Day for the Elimination of Violence Against Women (Pandaigdigang Araw Upang Mapawi ang Karahasan Laban sa Kababaihan).

Ayon sa pananaliksik, ang World Children's Day ay unang itinatag noong 1954 bilang Universal Children's Day at ipinagdiriwang tuwing ika-20 ng Nobyembre bawat taon upang isulong ang internasyonal na pagkakaisa, kamalayan ng mga bata sa buong mundo, at pagpapabuti ng kapakanan ng mga bata.

Itinalaga ng United Nations General Assembly ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women (Resolution 54/134). Layunin nitong itaas ang kamalayan sa buong mundo na ang mga kababaihan ay sumasailalim sa panggagahasa, karahasan sa tahanan at iba pang anyo ng karahasan; bukod pa rito, ang isa sa mga layunin ng araw ay upang i-highlight na ang sukat at tunay na kalikasan ng isyu ay madalas na nakatago.

Anim na araw na kampanya laban sa karahasan sa mga bata at babae, na sinasabing bulnerableng sektor sa mundo. Layunin ng ating kampanya na itaas ang kamalayan sa problema ng karahasan at ang pag-aalis ng lahat ng anyo ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at masolusyunan ang paglaganap ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak (VAWC).

Mayorya ng ating populasyon ay mga babae at bata, at marami ang sinasaktan ng kanilang mga asawa o kapamilya, o kaya'y sa trabaho, o maging sa paaralan. Marami nang kaso ng karahasan sa kanila na dapat agarang matugunan upang hindi na lumala pa, na maaaring magdulot ng pagkakasakit o kaya'y kamatayan.

Kaya kami sa KPML ay mahipit na nangangampanya sa anim na araw na ito upang mabatid ng lahat na dapat nang mawakasan ang karahasan sa mga babae at bata. STOP VAWC NOW!

Walang komento: