Saturday, November 30, 2013

Mensahe sa ika-150 Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

Sa ika-150 taon ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio:
MAY PAG-ASA
Laban sa Inutil na Pangulo at Palpak na Elitistang Gobyerno

MAYPAG-ASA. Ito ang alyas o koda noon ni Andres Bonifacio, supremo ng Katipunan at lider-manggagawang namuno sa laban ng bayan sa kolonyalismong Espanyol. 

Isa’t kalahating siglo na mula nang isilang si “Maypag-asa” – ang dapat tanghaling unang pangulo ng republika ng Pilipinas. Ngunit napapanahon pa ring tanungin ng bawat Pilipino: “May pag-asa pa ba ang ating Inang Bayan”? 

Makabuluhan ang tanong na ito laluna sa panahong tayo ay humaharap sa kaliwa’t kanang mga pagsubok bunga ng kalamidad at mga kontrobersyang pampulitika. Laluna sa yugtong ito na tila nalulukuban ang buong bansa ng kawalang pag-asa.

Tahasan nating idinedeklara: “May pag-asa pa!” Subalit hindi ito grasyang magmumula “sa itaas”. Hindi ito manggagaling sa mga elitistang may-kontrol sa ating ekonomiya’t pulitika. Hindi magsisimula sa matataas na mga opisyal ng gobyerno na sinasamantala ang mismong kahirapan at pagdarahop ng masang Pilipino. 

Bakit? Dahil sa sumusunod na kadahilanan:

Ang gobyernong ito ay para sa mababang pasahod. Tuwi-tuwinang sagot ng rehimeng Aquino sa ating kahilingan para sa dagdag na sahod ay ang pagsasara ng mga pabrika at pagbabawas ng mga trabahador. Imbes na sundin ang Konstitusyunal na probisyon ukol sa living wage (o sahod na makabubuhay ng pamilya), ang gobyerno mismo ang tumatayong tagapagsalita ng blakmeyl ng mga kapitlalista para manatili ang mababang pasahod. Sa Enero 2014, itataas pa nito ang kaltas para sa Social Security System at Philhealth. Liliit lalo ang take-home pay ng mga manggagawa! Ang Wage Order 18 ang pinakamaliit na kautusan sa buong kasaysayan ng NCR wage board.

Ang gobyernong Aquino ay para sa kontraktwalisasyon. Sa kaso ng kontraktwalisasyon sa Philippine Airlines nang tangkain ni Lucio Tan (dating may-ari ng PAL) na alisin ang mga regular at palitan sila ng mga kontraktwal na empleyado sa pamamagitan ng outsourcing ng ilang departamento ng kompanya, kumampi ang Malakanyang sa katuwiran ni Tan. Gumawa ito ng bagong kategoryang “core” at “non-core” na hindi nakasaad sa Labor Code.

Ang gobyernong Aquino ay para sa demolisyon ng komunidad ng mga maralita. Walang habas ang demolisyon sa mga “informal settlers” sa mga punong lungsod. Diumano, ito ay para daw iligtas sila sa mga “danger zone”. Subalit mas masahol naman ang kanilang nililipatan sa mga relokasyon sapagkat bukod sa wala o kulang sa batayang mga serbisyo ay malayo pa sa kanilang mga trabaho. Ang mas hinahabol ng gobyerno ay pagwawalis sa mga maralita upang tumaas ang land value sa lungsod para sa mga real estate developer gaya nina Henry Sy, Zobel de Ayala, mga Gokongwei, Lucio Tan at Andrew Tan. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na presyo ng langis. Nang uminit ang protesta laban sa oil deregulation kasabay ng pagsirit ng presyo ng krudo sa $100 kada bariles noong 2012, nagpatawag ng rebyu ang Department of Energy. Pero imbes na aralin kung paano manunumbalik sa “regulated oil industry”, tutuklasin pa raw ang epekto ng deregulasyon sa presyo ng langis. Bagamat maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kawalang kontrol sa presyo ang siyang dahilan ng walang tigil na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo! Ang totoo, mas pinapaboran ng gobyerno ang mahal na presyo ng langis sapagkat mas tumataas din ang kanilang nakokolektang VAT bunga ng pagtaas nito! 

Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na singil sa serbisyo publiko. Hindi pinipigilan ang pribatisasyon ng mga dating sineserbisyo ng gobyerno gaya ng kalusugan, edukasyon, pabahay, pangmasang transportasyon gaya ng tren, atbp. Pinalitan lamang ng pangalan – tinaguriang private-public partnership (PPP) – ngunit iisa ang resulta: pagtutubuan ng mga kapitalista ang serbisyong panlipunan. Ilang halimbawa ng epekto nito ay ang napipintong pagtaas sa pasahe ng LRT at MRT, pagtataas sa toll fee sa NLEX, SLEX at iba pang tollway, at pagsasapribado ng mga pampublikong ospital.

Ang gobyernong Aquino ay para sa malalaking kapitalista. Sa nakaraang SONA, ipinagmalaki ni Noynoy ang “inclusive growth”. Aniya ang nais raw ng rehimen ay pag-unlad na para sa lahat ng Pilipino. Subalit sino lamang ang nakinabang sa ipinagmamalaking GNP/GDP growth? Ang pinakamayamang 40 pamilya na lumago ang yaman ng 37.9% noong 2011. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa political dynasty. Ang mismong pangulo ay nagmula sa pampulitikang angkan. Ito ang mga pamilyang nagpapasasa sa kaban ng bayan at hindi inuuna ang kapakanan ng nakararami at ang totoong pambansang pag-unlad. Hanggang ngayon, hindi pa rin naisasabatas ang enabling law sa Konstitusyonal na probisyon laban sa mga political dynasty. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa pork barrel. Naluklok sa poder si Noynoy at partido Liberal sa islogang “kung walang korap, walang mahirap” at “daang matuwid”. Pero hindi niya tinanggal (bagkus ay dinoble pa nga!) ang PDAF ng mambabatas na matagal nang pinupuna bilang isa sa mga mekanismo ng korapsyon sa bansa. Bukod sa PDAF, mayroong P1.3 Trilyon na presidential pork na ginagamit – hindi sa lahatang-panig na pag-unlad – kundi sa pagpapanatili ng “utang na loob” ng mga lokal na opisyal at kanilang mga botante. 

AT HIGIT SA LAHAT, ang gobyernong Aquino ay palpak sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Ang sunod-sunod na kalamidad sa Visayas – mula sa lindol hanggang sa kamakailan lang na bagyong Yolanda – ang nagbulgar sa kapalpakan ng elitistang paghahari. Lumipas muna ang isang linggo bago opisyal na nasimulan ang pag-ayuda ng gobyerno sa Leyte’t Samar, partikular sa Tacloban. Ito ang INUTIL na administrasyong mas inuuna ang imahe bago ang pagtulong sa taumbayan. Hanggang ngayon, maraming lugar pa rin ang hindi nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno. 

Kung wala sa inutil na pangulo at elitistang gobyerno, nasaan matatagpuan ang pag-asa ng bayan? Nasa taumbayan mismo. Nasa ating sama-samang pagkilos. Nasa ating kapatiran at pagdadamayan. Nasa ating pagkakaisa’t paglaban. Makikita ito sa pagtulong ng milyon-milyong ordinaryong mamamayang hindi na naghintay sa anumang anunsyo ng gobyerno ngunit agad na tumulong sa mga nasalanta ng nakaraang mga sakuna. 

Mas pa, sapagkat ang sama-samang pagkilos “mula sa ibaba” ay nagkamit, kamakailan lang, ng sumusunod na mga tagumpay: 

Una, ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang PDAF ng mga mambabatas at iligal ang lump-sum appropriation sa pondo ng gobyerno at absolutong kontrol ng Malakanyang sa paggamit nito ng Malampaya fund (na dapat ay inilalaan sa paglikha ng enerhiya at elektripikasyon ng bansa). Hindi pa nagtatapos ang laban. Tinanggal lamang ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngunit nananatili ng presidential pork. Hindi pa rin nailalagay ang partisipasyon ng taumbayan sa pagbabadyet ng gobyerno. Ganunpaman, makasaysayan ang naging hatol ng Korte. Maari na itong gawing batayan sa lahat ng susunod na kaso tungkol sa kabuuang “pork barrel”. Ito ang bunga ng tuloy-tuloy na pagkilos ng taumbayan na nasimulan sa Million People March sa Luneta noong Agosto 26.

Ikalawa, ang pagbabalik sa mga tinanggal bilang regular ng mga empleyado ng Philippine Airlines, sa pamumuno ng PALEA. Palagiang kinampihan ng gobyerno – mula sa Malakanyang hanggang sa Court of Appeals – ang outsourcing ni Lucio Tan para mapalitan ng mga kaswal ang mga regular at durugin ang unyong PALEA. Sa loob ng dalawang taon, lumaban ang unyon – sa tulong at suporta ng kilusang mamamayan at kilusang paggawa. Nang ibenta ang PAL sa San Miguel group, unang pumostura laban sa reinstatement ang bagong management. Subalit hindi natinag ang unyon bagamat umabot na ng dalawang taon mula nang i-lockout ni Lucio Tan ang PAL. Noong Nobyembre 16, dahil sa pangangailangan din ng PAL ng mga manggagawang mas may kasanayan sa trabaho, pumayag ang bagong may-ari na bumalik bilang regular ang mga kasapi ng PALEA.

Mga kababayan! May pag-asa pa. Ang ating katubusan ay nasa ating mga kamay. Sa sama-samang pagkilos, naging iligal ang PDAF at nakabalik ang PALEA. Sa pagkakaisa’t pakikibaka, may lakas at tagumpay ang mamamayang Pilipino. 

Mga kamanggagawa! Si Gat Andres ay manggagawa. Gaya rin nating sahurang alipin. Subalit pinangibabawan niya ang kahirapan. Nagkusang mag-aral at magtiyaga. Inisip ang kapakanan ng buong bayan, hindi lang ng sarili o sariling pamilya. Hanggang sa naging lider ng bayan. Sa okasyong ito ng ika-150 taon ng kapanganakan ni Bonifacio, tanggapin natin ang tungkuling pangunahan ang laban ng bayan sa elitista’t trapong paghahari. Higit sa anumang sektor sa lipunan, ang nagkakaisang pagkilos ng manggagawa, ng milyon-milyong walang pag-aari kundi ang kanilang lakas, talino at oras – ang siyang tunay na pag-asa ng bayan. Palpak na gobyerno, inutil na pangulo, itakwil! 

BMP–PLM–SANLAKAS-KPML
Nobyembre 30, 2013

Friday, November 15, 2013

Philippines' Urban Poor Commemorates International Street Vendors Day

Press Statement
From: Anthony Barnedo, Secretary General, KPML-NCRR
09497518792

November 14, 2013

PHILIPPINES' URBAN POOR COMMEMORATES INTERNATIONAL STREET VENDORS DAY

The Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod - National Capital Region-Rizal chapter (KPML-NCRR) or Congress of Unity of the Urban declared our solidarity to all vendors from our country, Philippines, and other parts of the world in commemorating the International Street Vendors Day every November 14. 

On November 14, 2012, during the 10th year anniversary of StreetNet International, a global collective of street vendor organizations working in Latin America, Africa and Asia, they unanimously declared every November 14 as the International Street Vendors Day. StreetNet was founded in Durban, South Africa, in November 14, 2002.

Here in the streets of major cities, most especially in Metro Manila, street vendors can be seen in populated places. In our case, most of our members are vendors who live through their own means without help from the government. Because of poverty, they live in selling many tyoes of items to augment their need for a day. Some say, vendors are "isang kahig, isang tuka" (like a rooster, one worm in every scratch at the soil), which means they will not eat for a day if they don't work for a day. That's why vendors sold in the streets foods like fried squidballs, fishballs, barbecue, penoy, balut, pusit, taho, palamig, and many others. Many people buy street foods because of cheaper price and ready to eat. Vendors also sell cheap things like belt for P20, and other paraphernalia. Some vendors sell newspapers and cigarettes during traffic at Manila streets. People can buy fresh fish, dried fish (tuyo), banana such as saba, lakatan and latundan, fruits like lansones, mangoes, oranges, apples, mani or peanuts, corn, household/kitchen wares, and different kind of tools.

But vendors are not safe. Eleven years ago, vendors are in the limelight, always in the front pages of newspapers. It is because the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), through its Chairman, Bayani Fernando, declared war on vendors. Fernando even said that vendors who will fight back will be arrested (Phil. Daily Inquirer, Augsut 27, 2002, page A21). He even told his men to burn confiscated goods from the vendors so they cannot go back to streets again. That's why vendors called him a Hitler.

But when Fernando was gone from the MMDA because he ran as vice president during the 2010 national election, the vendors still is not safe. The vendors continued to be harassed by the authorities. But vendors continue to sell and organized themselves to protect their livelihood. They even have to pay protection money to some crooks in the government. Somehow, street vendors continue to contribute to urban economy through goods in cheaper prices, because the government itself cannot give jobs to them. Street vendors give an important service to the poor.

Vendors have a right to their livelihood and earn their living, as written at the Universal Declaration of Human Rights and the International Covenant for Economic, Social and Cultural Rights. And to guarantee that vendors rights are respected, there should be an ordinance or a law, perhaps a Magna Carta for Vendors, to protect them from harassment. 

In the second year of celebrating the International Street Vendors Day, we look forward for the street vendors rights be recognized and respected.

Maralitang Lungsod, Ginunita ang International Street Vendors Day

Press Statement
Nobyembre 14, 2013

Mula kay Anthony Barnedo, Pangkalahatang Kalihim, KPML-NCRR
09497518792

MARALITANG LUNSOD, GINUNITA ANG INTERNATIONAL STREET VENDORS DAY

Ginugunita ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod - National Capital Region chapter (KPML-NCRR) ang International Street Vendors Day (Pandaigdigang Araw ng Maliliit na Manininda) tuwing Nobyembre 14. 

Ito ang ikalawang taon ng paggunita sa araw na ito. Sinimulan noong Nobyembre 14, 2012 ng grupong StreetNet, isang pandaigdigang samahan ng mga manininda sa lansangan 

Karamihan o mayorya ng aming kasapian ay nabubuhay sa sariling sikap upang hindi magutom ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda kahit walang tulong sa pamahalaan. Dahil sa kahirapan, dumidiskarte sila sa pamamagitan ng pagbebenta ng kung anu-anong mapapakinabangang produkto at pagkain, tulad ng pagbebenta ng balut, sigarilyo, kakanin, at iba pa sa bangketa sa pag-asang sa pamamagitan nito ay makakain ang kanilang pamilya. Karamihan ng mga vendor ay isang kahig, isang tuka, na kung hindi sila didiskarte sa isang araw ay tiyak na gutom ang aabutin ng kanilang pamilya. Nariyang magbensta sila sa lansangan ng bola-bola, barbeque, adidas o paa ng manok, betamax o dugo, penoy, balut, pusit, taho, palamig, at iba pa. Sa Metro Manila pa lang, mahigit kalahati ng populasyon ang bumibili ng bangketa dahil mas mura, tingi, at madaling kainin. May mga nagbebenta rin ng kung anu-ano sa bangketa tulad ng sinturon, pantanggal ng tutuli, tawas, at meron ding nagtitinda ng tuyo, tinapa, saging na saba, lakatan at latundan, at mga prutas tulad ng lansones, mangga, mani, at iba pa. Karamihan sa kanila ay may sariling kariton o lagayan ng panindang may gulong. Ang iba naman ay wala at kailangan lang buhatin.

Ngunit ang mga vendor na ito ay hindi ligtas. Dumating pa nga ang panahong pinaghuhuli sila ng maykapangyarihan, partikular ang Metro Manila Development Authority (MMDA) noong panahon ng dating chairman nito na si Bayani Fernando, kung saan ang mga nakukumpiskang paninda ng mga vendor ay sinusunog upang hindi na raw ang mga ito makapagtindang muli sa bangketa.

Ngunit nang mawala si Fernando sa MMDA, patuloy pa rin ang kahirapan ng mga vendor, dahil na rin sa pangongotong sa kanila kapalit umano ng proteksyon. Nais ng mga vendor magtinda dahil ang trabahong ito'y marangal. Ito'y diskarte nila sa buhay dahil hindi naman sila makapasok sa mga kumpanya o opisina dahil kulang sa kwalipikasyon. At para hindi magutom ay gumagawa sila ng paraan upang mabuhay. Ang mga vendor ay nabubuhay sa pagbabakasakali, bakasakaling mabili sa mataong bangketa ang kanilang paninda upang may maipakain sila sa kanilang pamilya.

Karapatan ng mga vendor ang mabuhay, kahit sa pagtitinda lamang. Nakasulat ang mga karapatang ito sa Pandaigdigang Pahayag ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights - UDHR) at Pandaigdigang Kasunduan hinggil sa Pang-ekonomya, Panlipunan at Pangkultirang Karapatan (International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights - ICESCR).

At upang ganap na marespeto ang mga karapatang ito, kailangan ng maayos na implementasyon at kaukulang batas o ordinansa na poprotekta sa mga vendor sa kanilang marangal na paghahanapbuhay. Kailangang maprotektahan ang mga vendor mula sa mga mangongotong, at hangga't maaari ay mabigyan sila ng maayos na pwesto kung saan maraming tao ang nagdaraan upang kahit papaano'y hindi sila basta-basta mapapaalis lamang. Kailangang respetuhin ang mga vendor, tulad ng lahat ng maralita sa lungsod, dahil sila ay mga tao ring hindi dapat apihin at pagsamantalahan.

Mabuhay ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Manininda sa Lansangan (International Street Vendors Day)! Mabuhay ang mga maralitang vendor! Mabuhay ang mga maralita ng lungsod!