Sunday, April 27, 2008

On GMA being a Hands-Off President

Press Release
25 April 2008
On GMA being a Hands-Off President:

“We’ve had enough of her!”
– BMP, Sanlakas, KPML

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP), together with allied organizations— Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) and SANLAKAS held a picket at Welcome Rotonda in Quezon City today to protest the recent power rates increase, the continuing surge in the prices of basic commodities such as rice, pandesal and meat products, and to demand for a just family living wage (FLW) to enable the ordinary Filipino to afford the increasing prices of commodities and now even public utilities such as electricity. The protest action is still part of a series of activities in commemoration of this year’s Labor Day highlighted via a Lakbayan on April 29 kicking off from CALABARZON and marching onward to hold a protest rally in Mendiola on May 1 dubbed as “Martsa Laban sa Kagutuman, Kahirapan, at Katiwalian.”

BMP President Leody de Guzman blames Malacanang for not being able to immediately resolve the rice and food crisis and/or stop the power rates increase. De Guzman states, “The GMA administration has abandoned its primary responsibility of taking care of the welfare of its people. Instead of putting forward and implementing solutions that would provide both immediate relief and a strategic framework to the rice and food crisis, GMA offers “band-aid” solutions such as the DSWD and DA’s rice coupons and food stamps and passing on the urgent task of increasing the poor Filipino’s capacity to pay via the Regional Wage Boards instead of a legislated wage increase.”

Meanwhile, Pedring Fadrigon of KPML points out that the new power rates increase which would add 67.17 centavos per kwh to this month’s billing of average Meralco consumers is like adding insult to injury. Fadrigon explains, “There is no way that the average masa can still afford to pay this increase. The 27 million Filipinos or 1/3 of the population living below poverty line do not have enough cash to put food on their table much less spend a few more pesos to pay for increased electricity rates. ”

Sanlakas spokesperson Rasti Delizo adds, “Arroyo’s effort to address the rice and food crisis and even its policy of rendering our economy akin to neo-liberal strategies and market volatilities instead of prioritizing food security and ensuring that there is food on the table especially for the country’s poor, only proves that GMA is not only a “lame duck president”, but worst, is a “hands-off president”. This only means that she couldn’t care less if majority of Filipinos remain hopeless, defenseless and unable to survive even their family’s basic food and non-food needs.”

De Guzman submits, “The Filipino have had enough of GMA! If we can no longer expect significant and decisive resolutions from the Arroyo government, then there remains no reason for her to stay in power. Her presidency diminishes every day not only because of her syndicate-style politics and corrupt activities, but mainly because of her government’s incapacity to resolve the main issues of the country today such as poverty and hunger. Thus, we call on poor and working men and women of this country to join us in our campaign to put and end to our problems and finally take a stand: Kagutuman, Kahirapan, Katiwalian: Sobra Na! Patalsikin si Gloria! Reject Noli! Itayo Democratic Transitional Council, Pagbabago Ngayon Na!

BMP, KPML and Sanlakas conducted a brief program at Welcome Rotonda and held their banners with the following slogans which intend to put forward concrete demands and/or solutions to the country’s current issues: “Ibasura ang Meralco rate increase!”; “Ipatupad ang price control sa lahat ng basic commodities tulad ng bigas, pandesal, atbp.!”; and “Ipatupad ang Family Living Wage (FLW)!”. More actions are scheduled in the following days leading to May 1.

- 30 -

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
SANLAKAS

Tuesday, April 8, 2008

Ang Pagbubuo ng Kasama

ANG PAGBUBUO NG KASAMA

Nabubuhay tayo sa "demokrasyang lipunan". Ngunit hungkag ang buhay ng mga maralita sa "demokrasyang lipunan" na ito. Ang mga maralita ang buhay na larawan ng ipinagmamalaking demokrasya ng minorya. Ang mga maralita, kasama ang uring manggagawa, na siyang mayoryang bumubuo ng lipunan, ang siyang mayoryang naghihirap at hindi pinakikinggan ng mismong sumisigaw ng 'demokrasya', at siyang mayoryang nalulubog sa matinding kahirapan at halos hindi makakain ng sapat sa isang araw.

Mali na ang mayoryang bumubuo ng lipunan at siya mismong bumubuhay sa lipunan dahil sa kanilang lakas-paggawa ang siya pang api sa 'demokrasyang lipunan' na ito. Pagkat mali, dapat itama. At maitatama lamang ito kung kikilos ang mismong mayorya - ang mga maralita, lalo na ang uring manggagawa - para palayain ang sarili nila laban sa paninibasib ng minorya. Dahil dito, kaagapay ng mga manggagawa, nararapat lamang na mabuo ang isang malawak at malakas na kilusan ng mga maralita.

Ang malawak na kilusang ito ay nakapundar sa pagkakaisa hindi lamang sa batayan ng isyu sa pabahay, kundi higit sa lahat sa pagbabago ng sistema ng lipunang siyang naging dahilan ng paglaki ng agwat ng nakararaming mahihirap at kakarampot na mayayaamn.

Ngunit magaganap lang ang pagbabago ng sistema kung ang mismong masang maralita ay magkakamit ng mataas na pampulitikang kamulatan at makauring paninindigan. Hindi dapat na makuntento lamang tayong mga maralita sa isyu ng pabahay, demolisyon at pagkakaroon ng malilipatan at matitirhan. Bagkus dapat umabot ang ating kamalayan sa pagtatanong kung bakit patuloy na nagaganap ang kahirapan at bakit umiiral ang kawalan ng katarungang panlipunan.

Ang pag-oorganisa ng masang maralita bilang mga mulat na anakpawis ay pulitikal ang nilalaman sapagkat imposibleng matanggap ng isang ordinaryong maralita ang kanyang katayuan sa lipunan nang hindi niya nauunawaan ang kanyang kalagayan sa sistema ng produksyon sa lipunang umiiral ngayon - ang lipunang kapitalismo. Kung mauunawaan niya ang kanyang kalagayan, imposibleng hindi mahagip ng kanyang pananaw ang mapagsamantalang relasyon ng kapitalistang lipunan - ang sistema ng sahurang pang-aalipin, ang maralita bilang proletaryado, at hindi lamang simpleng reserbang hukbo ng paggawa dahil wala rin silang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon kundi ang kanilang lakas-paggawa, ang pambabarat sa tamang presyo ng lakas-paggawa, ang batas ng paglitaw ng kapitalismo bilang sistema ng pribadong pag-aaring siyang ugat ng kahirapan, ang gobyernong kumakatawan dito, ang pagpapabagsak nito, at pagtatayo ng sariling gobyerno ng manggagawa at ng anakpawis.

Sa ganitong layunin, bilang pampulitikang sentro ng mga maralita ng lungsod, binubuo ng KPML ang Kapatiran ng mga Sosyalistang Aktibistang Maralita (KASAMA) upang maipalaganap ang makauring pagkakaisa ng mga maralita bilang proletaryado at ng uring manggagawa sa kabuuan. Katatampukan ang KASAMA ng pag-oorganisa at pampulitikang pagmumulat.

Ang KASAMA ay isang pampulitikang grupo o sirkulo (mga 5-10 katao) ng mga mulat na maralita sa loob ng isang lokal na organisasyon at komunidad na kinikilusan ng KPML, o kaya'y mga indibidwal na maralitang wala pang organisasyon sa isang komunidad. Sila ang mga aktibong kasapi ng organisasyon o sinuman sa komunidad na nakahandang makibahagi sa anumang paraan at kumilos para sa ating hinahangad na pagbabago sa lipunan.

Gayunman, ang pagtatayo ng KASAMA ay hindi nangangahulugang pagtatayo ng hiwalay na organisasyon sa loob ng isang lokal na organisasyon o pagtatatag ng mga bagong tsapter ng KPML, maliban doon sa mga indibidwal sa komunidad na wala pang organisasyon. Iginagalang ng KPML ang dinamismo ng bawat lokal na organisasyon. Binuo ang KASAMA bilang katuwang ng KPML sa pagkokonsolidad sa ating mga kinikilusang komunidad. Pagkat sila ang mga mulat (may mataas na pampulitikang kamalayan) na maralita sa loob ng kanilang mga lokal na organisasyon, pangungunahan nila ang kanilang samahan sa mga pagkilos sa loob at labas ng kanilang mga komunidad, at magsasagawa ng pagmumulat sa hanay ng kasapian at maging sa iba pang organisasyon at mga kalapit pang komunidad. Ang mga KASAMA ang siyang magiging gulugod sa pag-oorganisa at pagkokonsolida ng ating organisasyon at mga komunidad na kinikilusan.

Ang mga sumusunod ang mga partikular na tungkulin ng bawat KASAMA:

1. Dumalo at magbuo ng mga sirkulo ng pag-aaral at mga talakayan.

2. Magpalaganap ng mga pampulitikang diskusyon at propaganda kaugnay ng makauring pagkakaisa sa hanay ng masang maralita.

3. Maging aktibong kalahok sa mga pagkilos ng masa sa mga komunidad, sa mga moblisasyon, at sa iba pang mga pampulitikang pagkilos.

4. Mamahagi ng mga lathalain (memo, pahayagan, polyeto, atbp.) ng organisasyon.

5. Magsagawa ng pagrerekluta ng mga:

(a) indibidwal na kasapi sa hanay ng pangmasang organisasyon sa komunidad;

(b) bagong indibidwal na bubuo ng mga bagong sirkulo ng KASAMA.

6. Maagap na pagtulong sa mga komunidad na may banta ng ebiksyon demolisyon at handang ipaglaban ang komunidad sa panahon ng ebiksyon at demolisyon.

7. Pagbahagi ng mga nakalap na impormasyong may kaugnayan sa laban ng maralita sa demolisyon, padlocking, foreclosure, kagutuman, at iba pang isyung nakakaapekto sa maralita.

8. At iba pang pampulitikang gawaing maaaring iatas mula sa ating sentrong organisasyon ng KPML.

Tungkulin ng mga group o team leader ng bawat KASAMA na regular na tipunin ang kanyang mga kagrupo upang tuparin ang kanilang mga plano at tiyaking nagagampanan ng bawat isa ang kanilang mga pampulitikang tungkulin at gawain.

Ang bawat KASAMA ay laging nakikipag-ugnayan sa sentro ng KPML para sa gabay at sa isang koordinado at organisadong pagkilos.

Dapat nating tandaan na hindi natin lipunan ang lipunang kapitalismong umiiral ngayon. Ito'y lipunan para lamang sa iilang mayayamang pribadong nagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, at minorya pa sa lipunan.

May lipunan tayong dapat ipagwagi - isang lipunang ang mga kagamitan sa produksyon ay pag-aari ng buong lipunan upang magkaroon ng planadong kaayusan, isang lipunang papawi sa kasakiman sa tubo ng mga kapitalista, isang lipunang papawi sa mga kapitalista bilang naghaharing uri, isang lipunang walang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, isang lipunang ang magtatamasa ay ang lahat.

Friday, April 4, 2008

Oryentasyon ng KPML

ORYENTASYON NG KPML


A. ANO ANG KPML?

Ang Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) ay isang Kumpederasyon ng iba’t ibang samahan ng mamamayan sa Komunidad na naglalayong buklurin ang mga maralita ng lunsod sa isang pananaw, paninindigan at layunin upang maging epektibong pampulitikang pwersa sa pagbabago ng kalagayan ng maralita sa lipunan.

Ito ay isang kumpederasyon na may pambansang katangian, kung saan ang mga samahan mula sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan, lunsod at bayan, ay maaring maging kasapi. Ito ay nagpapairal ng demokratikong sistema sa loob ng organisasyon kung saan ang mga opisyales ay halal at ang Saligang Batas, Alituntunin (By-Laws), mga resolusyon, mga programa at patakaran ay pinagtibay ng buong kasapian.

Mula sa pambansang punong rehiyon kung saan unang itinayo ng maralita ang KPML, sa kasalukuyan ay may mga balangay at kasaping mga pederasyon at mga lokal na samahan sa Panay-Guimaras, Bacolod, Cebu, Cavite, Rizal, Laguna, sa kahabaan ng riles, at masigla ang mga ugnayan sa mga samahang maralita sa iba’t ibang probinsya sa Luzon, Mindanao, at Visayas.

B. BILANG PAMPULITIKANG KUMPEDERASYON

Noong panahon ng diktadurang Marcos, ang pakikibaka ng mga maralita ay kalat-kalat at kanya-kanya. Walang sentralisadong pagkilos kung kaya’t mula sa ganitong kalagayan, itinayo ang KPML bilang isang sentrong organisasyong pampulitika ng maralita, upang pagkaisahin at organisahin ang pakikibaka ng maralita sa isang sentralisadong pagkilos, di lamang sa usapin ng pabahay, kabuhayan, serbisyo at mga karapatan, bagkus hanggang sa pakikibaka laban sa kahirapan.

Tumungo ang pakikibakang ito sa pagkakaroon ng pampulitikang kapangyarihan sa hangaring makamit ang isang ganap na pagbabago tungo sa lipunang may pagkakapantay-pantay.

C. KAILAN AT PAANO NABUO ANG KPML

Sa gitna ng magiting na pakikibaka ng maralita sa karapatan sa paninirahan, serbisyo at kabuhayan, itinatag ang KPML noong Disyembre 18, 1986 bunga ng pagkakabigkis ng iba’t ibang samahang maralita na pinangunahan ng Zone One Tondo Organization (ZOTO), Coalition of Urban Poor Againts Poverty (CUPAP) at ng Pagkakaisa ng Mamamayan ng Navotas (PAMANA) at ng iba pang samahang maralita. Ang KPML ay isang katugunan sa pangangailangan para sa isang sentrong pampulitikang organisasyon ng maralita.

Isinusulong ng KPML ang pakikibaka ng maralita para sa isang lipunang malaya at may pagkakapantay-pantay kasama ng iba pang samahang pangkomunidad. Binibigyang-diin nito ang pakikipaglaban ng maralita sa pabahay, hanapbuhay at serbisyong panlipunan.

Nagtuloy-tuloy ang pakikibaka ng maralita sa pangunguna ng KPML. Noong kalagitnaan ng taong 1987, isa ang KPML na nagbuo ng National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO) na siyang naghain ng People’s Proposal sa Malacañang. Naglalaman ito ng mga pagsusuri sa mga suliranin ng mga maralitang lungsod, ng kahinaan ng umiiral na proyektong Low Cost Housing at naghain ng alternatibo sa gobyernong Aquino. Nagbunga ang mga konsultasyon at ang sagot ng gobyerno ay ang pagtatayo ng Urban Poor Task Force na sa kalaunan ay itinayo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) bilang ahenya ng pamahalaan na gagabay sa pagpapatupad ng mga patakaran at implementasyon ng mga programa para sa maralita ng lunsod.

Bagamat nakapagpatayo ng ganitong ahensya para sa maralita. Wala ni isa man sa nilalaman ng People’s Proposal ang nakamit, tulad ng ang dapat mamuno rito ay mismong galing sa hanay ng maralita. Walang habas na ipinapatupad ng pamahalaan ang marahas na demolisyon at ebiksyon ng mga maralita. Pagkaraan ng isang taon, nabuwag ang NACUPO at muling pinamunuan ng KPML ang pakikibaka ng maralita.


PILOSOPIYA NG ORGANISASYON

1. Ang gawain para sa panlipunang pagbabago ay nagsisimula sa sarili

2. Ang paghahanap sa karunungan, indibidwal at panlipunang pagbabago ay isang tuloy-tuloy na proseso

3. Ang maglingkod para sa pagsasakapangyarihan ng mamamayan at ang pakikibaka para sa karapatan ng mga maralita at mga serbisyong kailangan ipagkaloob. Mas gugustuhing makipaglaban para sa pagkakamit ng karapatan kaysa ang tumanggap ng limos.

4. Ang isang responsableng lider ay naglilingkod ng tapat sa organisasyon.

5. Ang pagbibigay-halaga sa gawain ng organisasyon at tungkulin sa pamilya ay hindi magkahiwalay.

6. Ang katotohanan at katarungan ang siyang kakatawan sa organisasyon

7. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga maralita ang siyang magtutulak sa organisasyon upang magpatuloy at magtagumpay.

8. Ang banta at panganib ay bahagi ng buhay ng mga maralita ng lunsod


BISYON SA LIPUNAN

Pangarap ng KPML ang isang lipunang may kaunlaran, na ang mamamayan ay may pampulitika at pang-ekonomiyang kapangyarihan, may katarungan at tunay na demokrasya, pagkapantay-pantay sa karapatan at kasarian, malusog na kalikasan, at maayos na kapaligiran


BISYON SA ORGANISASYON

Isang pambansang organisasyon ng mga maralita na kinikilalang nangunguna at tumitindig sa kapakanan ng mamamayan na may malakas na impluwensyang pampulitika at may programang pangkabuhayan na nagtataguyod ng maayos na serbisyong panlipunan.


MISYON

Maging isang pampulitika at pang-ekonomiyang sentro na namumuno para sa karapatan at kaunlaran ng mga maralita sa pamamagitan ng mga programang magbibigay at magtitiyak ng mga serbisyong panlipunan sa kanyang sektor.


MGA HANGARIN

HANGARING PAMPULITIKA

Pagbubuo ng isang malakas na kilusang maralita para sa pag-establisa ng kapangyarihang pampulitika

HANGARING PANGSOSYO-EKONOMIKO

Kamtin ang pagtindig sa sariling lakas at pagsusulong ng pag-angat ng kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan, at pagkkaroon ng pang-ekonomiyang kaunlaran na may pagsasaalang-alang, at pagkapantay-pantay ng kasarian.

HANGARING PANG-ORGANISASYON

Mapagana, mapalakas at mapakilos ang sariling dinamismo ng sentrong nasyonal, mga rehiyon, pederasyon, tsapter at lokal na samahan bilang pampulitika at pang-ekonomiyang organisasyon ng mga maralita.


MGA PROGRAMA NG KPML

Ang KPML ay may mga programang nagsisilbi sa layunin at makinarya sa pagpapatakbo ng organisasyon at pagpapatupad ng mga plano’t gawain ng mga sumusunod:

1. Programa sa Pag-oorganisa

Ang programang ito ang nagtitiyak ng kooperasyon, tulungan at koordinasyon sa pagitan ng KPML at mga samahan sa iba’t ibang komunidad, kalunsuran, bayan, lalawigan, at ng rehiyon. Ito rin ang makinarya sa pagpapalawak at pagbubuo ng mga samahan at balangay ng KPML, at pag-oorganisa ng iba pang sektor na nakabase sa komunidad, tulad ng kababaihan, kabataan, vendors, TODA, PODA, mga walang tahanan, mga walang trabaho, atbp.

2. Programa sa Edukasyon at Pagsasanay

Ang programang ito ang mag-aasikaso at magtitiyak ng mga angkop na pag-aaral at pagsasanay ng mga kasapian ng organisasyon. Pangunahing layunin nito ay madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga lider at kasapian, pagtataas ng kanilang kamulatang pampulitika at malaman ang mga usapin at problemang nakaaapekto sa maralita.

3. Programa sa Kampanyang Masa at Adbokasiya

Ang programang ito ang magsisilbing daluyan ng mga pagkilos ng sektor hinggil sa iba’t ibang isyu at problemang tuwiran at di-tuwirang nakaaapekto sa mga maralita at mamamayan.

4. Programa sa Pinansiya’t Lohistika

Ang programang ito ang magtitiyak ng panustos at mga rekurso sa pagsusustena ng mga plano’t gawain ng KPML sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan.

5. Programa sa Pananaliksik, Dokumentasyon, Pangkabatiran at Propaganda

Ang programang ito ang responsable sa gawaing pananaliksik sa iba’t ibang mga isyu, programa’t mga proyekto, mga batas at mga patakarang nakaaapekto sa maralita. Pagtatala ng mga pangyayari sa mga pagkilos ng mga maralita, pagbibigay-kabatiran sa mga kasapi at publiko sa pamamagitan ng paglalathala ng pahayagan, polyeto, media advisory, letters-to-the-editors, press statements at press releases.

6. Programa sa Solidarity, Lokal at Internasyunal

Ang programang ito ang siyang responsable sa pakikipag-ugnayan ng KPML sa labas ng bansa at pakikipag-kooperasyon sa iba’t ibang perspektiba.

7. Programa sa Pangkagalingan at Serbisyo

Ang programang ito ang magbibigay ng iba’t ibang serbisyo na kinakailangan ng mga kasapi ng KPML, tulad ng serbisyong legal, paralegal, counselling, medikal, teknikal, at mga referral. Isa itong “action line” o network ng iba’t ibang serbisyo.

8. Programa sa Parlamentaryo

Ang programang ito ang siyang magtitiyak na ang KPML ay magsisilbing makinarya sa kampanyang elektoral, kung sakaling may pinagkaisahang susuportahang kandidato ang buong organisasyon. Ito rin ang magtitiyak ng pagla-lobby sa Kongreso at Senado ng mga agenda ng maralita.

9. Programa sa Pangkababaihan

Ang programang ito ang magtitiyak na ang mga usapin ng kababaihan, tulad ng gender equality, reproductive health, family right, economic right, at right to suffrage ay napapalaganap.

10. Programa sa Community Development at Selfhelp Resettlement Project

Ang programang ito ang inisyal na magpapasimula ng pagsangkot sa mga sariling inisyatiba ng maralita para sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad tulad ng land acquisition, housing amenities, atbp.

11. Programa sa HIV at AIDS

Ang programang ito ang nagbibigay ng pag-aaral hinggil sa HIV at AIDS, at nagbibigay ng makakayanang tulong sa mga may HIV at AIDS.

12. Programa sa Microfinance

Ang programang microfinance ang siyang nagpapautang ng kaunting puhunan sa mga magulang ng mga bata at kabataang manggagawa upang makatulong sa pamilya, at matiyak na ang mga bata at kabataang manggagawa ay makabalik sa paaralan.

13. Programa laban sa Child Labor

Ang programang ito ang siyang nakatutok sa mga bata at kabataang manggagawa upang ang mga ito’y makabalik sa paaralan, at sa pamamagitan ng paralegal ay matigil na ang mga pang-aabuso at karahasan laban sa mga bata at kabataang manggagawa.

14. Programa sa Child and Youth Rights

Ang programang ito ang siyang nakatutok sa pagtalakay sa karapatan ng mga bata at kabataan upang malaman nila at maipatanggol ang kanilang mga karapatan

Ano ang Microfinance

“KAILANGAN MO NG DAGDAG PUHUNAN??? Makipag-ugnayan sa: Kabuhayan ng Mamamayan Para sa Kaunlaran – KPML Inc.” Ang pangungusap na ito ang pamagat ng primer na inilabas ng Kabuhayan ng Mamamayan para sa Kaunlaran-KPML Inc. (KMK-KPML). Ito ang bagong tatag na MicroFinance institution na nakapaloob sa livelihood program ng KPML. Layunin ng proyektong ito na makapagpautang ng pandagdag puhunan para sa mga maliliit na negosyante, at sa mga magulang ng mga bata at kabataang manggagawa upang makabalik sa eskuwelahan ang kanilang mga anak.

Pero saan ba nagmula ang microfinance at paano ito naging matagumpay sa iba pang lugar?

Kadalasang sinasabing ang programang microfinance ay nagsimula noong 1970s, kung saan may dalawa itong katangian: Maipakita na ang mamamayan ay maaasahang magbayad ng kanilang inutang, at maipakita rin na maaari ring magbigay ng serbisyong pinansyal sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pautang.

May mga ebidensyang hindi lang sa 1970s ito nagmula. Ayon kay Timothy Guinnane, isang ekonomikong historyan, nagtagumpay ng kilusang pagbabangko sa nayon (village bank movement) na itinatag ni Friedrich Wilhel Raiffeisen sa Germany noong 1964, kung saan umabot ng dalawang milyong magsasaka noong 1901 ang natulungan ng konseptong ito. Dahil sa nakita niyang kahirapan sa kanilang bansa, ipinakita rito ni Guinnane kung paanong natulungan ang mga mahihirap sa mga liblib na pook na mangutang sa bangko.

Ganito rin ang naganap sa kilusang caisse populaire na itinatag ni Alphonse Desjardins sa Quebec. Pinagtulungan nila ito ng kanyang asawang si Dorimène na magtagumpay. Mula 1900, nang itinatag ni Alphonse ang unang caisse (na pinamahalaan ni Dorimène) hanggang noong 1906, kung saan naipasa ang batas hinggil sa pamamahala nito sa Quebec Assembly, ibinuhos ng mag-asawa ang kanilang mga personal na pag-aari para sa tagumpay ng buong kilusan.

Tulad ni Raiffeisen, kumilos si Desjardins dahil sa kahirapan. Ngunit mas kumilos siya dahil sa galit sa usurya o labis na pagpapatubo. Noong 1897, bilang parliamentary reporter, napag-alaman niya ang isang kaso sa korte sa Montreal sa mga nakaraang araw kung saan nakapangutang ang isang lalaki ng halagang $150, at inihabla, at pinilt na magbayad ng interes na nagkakahalaga ng $5,000.

Noong 1970, isang inisyatiba sa microfinance ang nagpakilala ng mga bagong inobasyon sa sektor. Maraming mga institusyon ang nagsimulang mag-eksperimentong magpautang sa mga mahihirap at sadyang kapos sa buhay. Isa sa mga nanguna rito ay si Akhtar Hameed Khan. Ang Shorebank, na itinatag sa Chicago noong 1973, ang unang microfinance and community development bank. Samantala, pinangunahan naman ni Muhammad Yunus, isang guro sa ekonomya sa Bangladesh, ang unang microloan sa Bangladesh noong 1974. Kasunod nito’y itinatag niya ang Grameen Bank at sa kanyang mga pagsisikap, siya’y ginawaran ng Nobel Prize noong 2006.

Sa ngayon, marami na ring institusyon sa Pilipinas ang may programang microfinance at nagpapautang sa mga mahihirap. Isa na rito ang ZOTO MFI (Zone One Tondo Organization – MicroFinance Institusyon), at ngayon nga ay itong KMK-KPML, Inc. Layunin ng programang ito na tiyakin ang sustenabilidad ng organisasyon sa mga darating na panahon.

Sa ngayon, patuloy pa ring nakikibaka ang KPML hinggil sa usapin ng katiyakan sa paninirahan, pabahay, demolisyon, serbisyong panlipunan, hanapbuhay at pagtataguyod sa mga lehitimong karapatan at kahilingan ng mga maralitang lungsod. Kasabay ng pag-unlad ng ating organisasyon, nangangailangan ang buong organisasyon ng mas malaking rekurso at pinansya upang sabay-sabay na matugunan ang pangangailangan at umangkop sa hamon ng kasalukuyang panahon. Pangunahin dito ang pag-oorganisa at pagpapalakas ng organisasyon. Naniniwala ang KPML, na walang sustenabilidad kung walang buhay at matatag na organisasyong handang magtulong-tulong upang isakatuparan ito. Dagdag pa rito ang pagpapahusay at pagpapaunlad ng mga programa at istap para sa epektibong implementasyon at paghahatid ng serbisyo sa ating mga kasapian.

Tuesday, April 1, 2008

7 Point Workers’ Agenda on Children and Young People

7 Point Workers’ Agenda on Children and Young People

1. Palakasin at paganahin ang mga barangay child protection committee (BCPC) bilang tagapangalaga at tagapagsulong ng mga karapatan ng bata at kabataan sa barangay;
2. Magkaroon ng isang kinatawang bata sa barangay child protection committee;
3. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata at kabataang manggagawa na makapag-aral maging ito man ay pormal o di-pormal;
4. Paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa pangangalaga sa mga karapatan ng bata at kabataang manggagawa;
5. Maglaan ng mga programang pangkabuhayan para sa mga magulang ng mga bata at kabataang manggagawa upang ang responsibilidad ng paghahanapbuhay ay hindi na pasanin ng mga bata at kabataan;
6. Magbigay ng mga pag-aaral at pagmumulat ukol sa mga karapatan ng bata at kabataan at ang panganib na dulot ng child labor hindi lamang sa mga bata at kabataang manggagawa kundi pati na rin sa mga magulang at sa komunidad
7. Itigil ang karahasan at diskriminasyon sa mga bata at kabataang manggagawa sa panahon ng kalamidad at demolisyon.