Monday, June 9, 2014

"Mga kawatan sa pamahalaan, ikulong!" - BMP, KPML

"MGA KAWATAN SA PAMAHALAAN, IKULONG!" - BMP, KPML

Hunyo 8, 2014 - Naglunsad ng kilos-protesta sa iba't ibang lugar sa Metro Manila ang iba't ibang grupo upang ipahayag ang kanilang galit sa nagaganap na sarswela sa pulitika ng bansa. Nais nilang managot ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam at makulong lahat ng maysala. Sabay-sabay na naganap ang kilos-protesta sa Muntinlupa, Marikina, Monumento sa Caloocan, at Mabuhay (Welcome) Rotonda.

Nasa Mabuhay (Welcome) Rotonda ang mga kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML). Ang nasabing kilos-protesta ay naganap mula ikasiyam ng umaga hanggang ikalabingdalawa ng tanghali.

mula sa Mabuhay (Welcome) Rotonda, ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

No comments: