Miyerkules, Mayo 7, 2008

Ambag ng Pagbabago - ni Malu Pontejos

AMBAG NG PAGBABAGO

Malu Pontejos

1

Kalayaan, ilandaang taon nang nais makamit

Pangarap ng lipunan o sinuman

Kalayaan ang tunay na ekspresyon ng pagkatao

Mailap at kailangan magtaya ng buhay

2

Kalayaan, lubos na hindei maramdaman

Batas at patakaran ginawa para sa kalayaan

Hindi direkta o direktang nagtatanggol

Masabi lamang may kalayaan!

3

Suriin maige kung may kalayaan

Sinuman magtatangka ng pagbabago

Lagot ka! isang araw

Bigla na lang mawawala o nakahandusay na!

4

Ambagan ng sakripisyo, nakaukit sa buhay

Isang karanasan hindi makakalimutan

Nagmarka sa tanikala ng pakikibaka

Buong sirkulo ng mundi ng pagbabago.

mula sa opisina ng KPML, Abril 21, 2008

Walang komento: