PRESS RELEASE
Nobyembre 23, 2009
Isangdaang katao mula sa mga organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) at Zone One Tondo Organization (ZOTO) ang nagpiket sa mga tanggapan ng apat na ahensya upang iprotesta ang kabagalan nito sa pagresolba sa problema sa pabahay ng mga maralita at ang paglabag sa karapatang pantao. Una nilang piniketan ang tanggapan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sumunod ay ang tanggapan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), sa umaga, at sa hapon naman, nagtungo sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR), at tinapos nila ang kanilang protesta sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA), ang lahat ng tanggapang ito’y pawang nasa Lungsod Quezon.
Ayon kay Ka Pedring Fadrigon, pangulo ng KPML, “Sadya bang kinapopootan ng pamahalaan ang mga maralita kaya agarang ginigiba ang tahanan ng mga maralita. Tila labis ang galit ng mga awtoridad sa maralita. Imbes na unawain ang kalagayan ng mga maralita, nag-aalaga ng galit sa dibdib ang gobyerno. Imbes na isang makatarungan at makataong negosasyon sa pabahay, ang mga maralitang nagtatanggol ng tahanan ay sinasaktan pa o pinapatay. Ito ba ang nararapat sa maralita? Poot? Ang nais ng maralita’y disenteng tahanan na may maayos na trabaho o pagkakakitaan malapit sa tirahan nila. Ang nais ng maralita’y kaunlarang may hustisyang panlipunan.”
Tinukoy ni Fadrigon ang naganap na demolisyon ng mga bahay at pananakit sa mga maralita sa Baclaran, ang pagpaslang sa isang lider-maralita sa Pechayan sa North Fairview, at ang mga banta ng demolisyon ng mga maralitang biktima ni Ondoy, na ayon sa grupo, ay hindi makatarungan, dahil walang makatarungang relokasyong malapit sa trabaho para sa mga apektado. “Nagdurusa na ang mga tao sa mga di makatarungang demolisyong ito. Itinuturing kaming daga ng gobyerno, imbes na itunring kaming taong may karapatan at dangal. Dapat itong matigil. Nais namin ng pangmatagalang solusyon, pagtigil ng demolisyon o kaya’y nararapat na relokasyon. Pag sinabi nating nararapat na relokasyon, ang binabanggit natin ay relokasyon sa loob ng lugar na malapit sa trabaho, at ang bahay ay abot-kaya, ligtas at sapat, hindi lugar na malayo sa aming mga pinagkakakitaan ng ikabubuhay.”
Idinagdag naman ni Ka Lydia Ela, tagapangulo ng ZOTO, “Ayaw ng maralitang tumira sa mga mapanganib na lugar, ngunit natulak lamang doon dala ng pangangailangan. Ngunit kung patuloy kaming ituturing na daga at idedemolis ang aming mga tahanan ng walang maayos na konsultasyon, at walang maayos na prinosesong lugar ng relokasyon, ito’y katumbas na rin ng pagdala sa amin mula sa danger zone patungo sa death zone. Ito ang ayaw namin. Ang pananatili ng aming mga tirahan ngayon hangga’t wala pang maayos na negosasyon sa mga maralita, ay isang magandang patunay ng paglilingkod at pagmamahal sa kapwa.”
Nobyembre 23, 2009
Hindi kami mga daga!
MARALITA, NAGPROTESTA SA APAT NA AHENSYA NG GOBYERNOIsangdaang katao mula sa mga organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) at Zone One Tondo Organization (ZOTO) ang nagpiket sa mga tanggapan ng apat na ahensya upang iprotesta ang kabagalan nito sa pagresolba sa problema sa pabahay ng mga maralita at ang paglabag sa karapatang pantao. Una nilang piniketan ang tanggapan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sumunod ay ang tanggapan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), sa umaga, at sa hapon naman, nagtungo sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR), at tinapos nila ang kanilang protesta sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA), ang lahat ng tanggapang ito’y pawang nasa Lungsod Quezon.
Ayon kay Ka Pedring Fadrigon, pangulo ng KPML, “Sadya bang kinapopootan ng pamahalaan ang mga maralita kaya agarang ginigiba ang tahanan ng mga maralita. Tila labis ang galit ng mga awtoridad sa maralita. Imbes na unawain ang kalagayan ng mga maralita, nag-aalaga ng galit sa dibdib ang gobyerno. Imbes na isang makatarungan at makataong negosasyon sa pabahay, ang mga maralitang nagtatanggol ng tahanan ay sinasaktan pa o pinapatay. Ito ba ang nararapat sa maralita? Poot? Ang nais ng maralita’y disenteng tahanan na may maayos na trabaho o pagkakakitaan malapit sa tirahan nila. Ang nais ng maralita’y kaunlarang may hustisyang panlipunan.”
Tinukoy ni Fadrigon ang naganap na demolisyon ng mga bahay at pananakit sa mga maralita sa Baclaran, ang pagpaslang sa isang lider-maralita sa Pechayan sa North Fairview, at ang mga banta ng demolisyon ng mga maralitang biktima ni Ondoy, na ayon sa grupo, ay hindi makatarungan, dahil walang makatarungang relokasyong malapit sa trabaho para sa mga apektado. “Nagdurusa na ang mga tao sa mga di makatarungang demolisyong ito. Itinuturing kaming daga ng gobyerno, imbes na itunring kaming taong may karapatan at dangal. Dapat itong matigil. Nais namin ng pangmatagalang solusyon, pagtigil ng demolisyon o kaya’y nararapat na relokasyon. Pag sinabi nating nararapat na relokasyon, ang binabanggit natin ay relokasyon sa loob ng lugar na malapit sa trabaho, at ang bahay ay abot-kaya, ligtas at sapat, hindi lugar na malayo sa aming mga pinagkakakitaan ng ikabubuhay.”
Idinagdag naman ni Ka Lydia Ela, tagapangulo ng ZOTO, “Ayaw ng maralitang tumira sa mga mapanganib na lugar, ngunit natulak lamang doon dala ng pangangailangan. Ngunit kung patuloy kaming ituturing na daga at idedemolis ang aming mga tahanan ng walang maayos na konsultasyon, at walang maayos na prinosesong lugar ng relokasyon, ito’y katumbas na rin ng pagdala sa amin mula sa danger zone patungo sa death zone. Ito ang ayaw namin. Ang pananatili ng aming mga tirahan ngayon hangga’t wala pang maayos na negosasyon sa mga maralita, ay isang magandang patunay ng paglilingkod at pagmamahal sa kapwa.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento