SANLAKAS – KPML
Press Statement
August 11, 2010
Ilegal na Demolisyon sa Brgy. Mariana, New Manila, Kinondena
Kinokondena ng Sanlakas at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML) ang naganap na marahas at ilegal na demolisyon ng mga bahay ng mga kasapi ng Bukluran ng Sais at Siete Neighborhood Association (BSSNA) sa Brgy. Mariana, New Manila sa Lunsod Quezon kaninang umaga.
Nakikipag-negosasyon pa ang maralita sa pamamagitan nina dating bise-presidente Teofisto Guingona at Sandy Bengala, pangulo ng BSSNA sa Brgy. Mariana na may kasapiang na 123 pamilya, at nakabarikada naman ang mga maralita sa 7th St., corner Broadway St., sa Brgy. Mariana, Quezon City nang biglang pumasok ang mga naka-truncheon na pulis sa hanay ng maralita. Pilit dinepensahan ng mga maralita ang kanilang barikada, habang umabante naman ang mga pulis. Nasa likod ang mga demolition team na pawang naka-t-shirt ng green na may tatak na RTC.
Bagamat matindi ang pagdepensa at pagkakapit-bisig ng mga maralita, biglang pumasok sa gitna ang 2 SWAT members na nakatutok ang kanilang mga armalite sa mga tao. Dito na nagpulasan ang mga tao papasok sa loob ng 7th St., para depensahan ang kanilang mga tahanan.
Ayon kay Bengala, ilegal ang demolisyon dahil nakapag-comply pa sila noong Biyernes sa 5 limang araw na isinasaad sa demolition order kaya naghain sila ng Motion for Reconsideration noong Biyernes, Agosto 6. Ilegal din ang demolisyon dahil walang inaalok na maayos na relokasyon para sa kanila. Ayon sa pananaliksik, ang lupa ay hindi tunay na pag-aari ng isang Mr. Felino Neri na nag-aangkin ng lupa.
Dinig na dinig ang putukan ng mga armalite mula sa ere, habang di pa mabilang ang mga nasaktan sa mga maralitang inagawan ng kanilang tahanan at sa hanay rin ng media. Sa ngayon, maraming bahay na ang nawasak, at nagpaplano na ang mga maralita na magsampa ng kaso laban sa mga pulis at demolition team.
Para sa mga karagdagang detalye, mangyaring kontakin si Ginoong Sandy Bengala sa 0918-4590761 o sa 0905-5914217 o sa Sanlakas ofc sa 4159400.

SWAT, NANUTOK NG BARIL PARA MADUROG
ANG DEPENSA NG MARALITA

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento