Sabado, Oktubre 29, 2022

Pahayag ng KPML sa National Correctional Consciousness Week

PAHAYAG NG KPML SA NATIONAL CORRECTIONAL CONSCIOUSNESS WEEK
Oktubre 28, 2022

RESTORATIVE JUSTICE, PAIRALIN PARA SA LAHAT!
KARAPATANG PANTAO NG MGA PDL, RESPETUHIN!
PALAYAIN LAHAT NG BILANGGONG PULITIKAL!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa ika-28 National Correctional Consciousness Week tuwing huling linggo ng Oktubre.

Ang nasabing pagdiriwang ay batay sa Proclamation No. 551, series of 1995, ni dating Pangulong Fidel Ramos ay idineklara ang last week ng Oktubre bilang National Correctional Consciousness Week. Pinirmahan ito ni Ramos noong Marso 15, 1995. Kasama sa bilang ang 1995 [2022 - 1995] + 1 =  27 +1 = 28 taon, dahil sa taon na iyon ang unang pagdiriwang ng nasabing week. (Hindi 2022 - 1995 = 27 taon.)

Ayon sa pananaliksik, na noong Hunyo 30, 2022, umabot sa humigit-kumulang 131.2 libo ang kabuuang bilang ng mga detenido at nasentensiyahang indibidwal sa mga bilangguan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga bilanggo na ito ay matatagpuan sa mga kulungan sa National Capital Region (NCR). Sa panahong ito, mayroong 470 kulungan sa bansa.

Dati, mas tinatawag na prisoner o criminal o convict ang nasa bilangguan. Kaya pag sinabing ex-convict ang isang nasa laya na ay may batik na ang kanilang katauhan. Kaya hindi basta matanggap sa trabaho, o sa lipunan. Ngayon, sila na'y tiunatawag na PDL o Persons Deprived of Liberty.

Mas pinaiiral sa matagal na panahon ang punitive justice. "Punitive justice believes that punishment can change behavior, that criminals will accept responsibility through punishment, and that the infliction of pain will deter criminal behavior." [Naniniwala ang punitive justice na ang pagpaparusa ay maaaring magpabago ng gawi, na ang mga kriminal ay tatanggap ng pananagutan sa pamamagitan ng parusa, at ang pagdudulot ng sakit ang hahadlang sa pagkaasal-kriminal. - malayang salin ng KPML]

Ngayon, nais nating ikampanya at umiral ay restorative justice. "Restorative Justice is a process through which remorseful offenders accept responsibility for their misconduct, particularly to their victims and to the community. It creates obligation to make things right through proactive involvement of victims, ownership of the offender of the crime and the community in search for solutions which promote repair, reconciliation and reassurance." [Ang Restorative Justice ay isang proseso kung saan ang mga nagkasala nagsisisi na ay tumatanggap ng responsibilidad para sa kanilang maling ginawa, partikular sa kanilang mga biktima at sa komunidad. Lumilikha ito ng obligasyon na gawing tama ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga biktima, nagkasala ng krimen at ng komunidad sa paghahanap ng mga solusyon na nagtataguyod ng pagsasaayos, pagkakasundo, nang may katiyakan. - malayang salin ng KPML]

Kumbaga, pagpapahilom ng sariwang sugat, o magin ng sugat na balantukan, na pilat na lang ngunit masakit pa rin ang laman. Ibig sabihin, pinaaalam ng restorative justice sa nagkasala ang tungkol sa epekto ng krimen sa biktima at sa kanyang pamilya, at direktang pananagutan ng nagkasala. Gayundin, nagbibigay ito ng pagkakataon para sa biktima at sa nagkasala na gumawa ng isang planong katanggap-tanggap sa isa't isa na tumutugon sa pinsalang dulot ng krimen. Kasama rito ang tinatawag na peacemaking encounter. "Peacemaking Encounter is a community-based gathering that brings the victim, the victimized community, and the offender together. It supports the healing process of the victims by providing a safe and controlled setting for them to meet and speak with the offender on a confidential and strictly voluntary basis." [Ang Peacemaking Encounter ay isang pagtitipon sa pamayanan na pinagsasama ang biktima, ang biktimang komunidad, at ang nagkasala. Sinusuportahan nito ang proseso ng pagpapagaling ng mga biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas at kontroladong lugar para makipagkita at makipag-usap sa nagkasala sa isang kumpidensyal at mahigpit na boluntaryong batayan. - malayang salin ng KPML]

Bilang pag-alala sa National Correctional Consciousness Week, kami sa KPML ay nananawagan na ating unawain at mas pairalin ang restorative justice sa mga kulungan. Ibig sabihin, kilalanin ang mga PDL bilang tao, bilang mamamayang may dignidad, na magkakaroon pa rin ng pagbabago sa kanilang ugali at pagkatao. Ang mga PDL ay tao rin.

Nananawagan din kaming palayain na ang lahat ng bilanggong pulitikal, dahil sila'y nakibaka batay sa kanilang prinsipyo't pulitikal na paniniwala. Free all political prisoners, now!

Pinaghalawan:
https://www.officialgazette.gov.ph/1995/03/15/proclamation-no-551-s-1995/
https://probation.gov.ph/restorative-justice/
https://www.statista.com/statistics/1279621/philippines-prison-population-by-region/
https://web.facebook.com/philippinehumanrights.org/

Pahayag ng KPML sa ika-29 anibersaryo ng Sanlakas

PAHAYAG NG KPML SA IKA-29 ANIBERSARYO NG SANLAKAS
Oktubre 29, 2022

TAASKAMAONG PAGPUPUGAY SA SANLAKAS!
TAOSPUSONG PASASALAMAT! TULOY ANG LABAN!
TUNGO SA PANGARAP NA LIPUNANG PATAS!
TUNGO SA MAGINHAWA'T MALAYANG BUKAS!

Taaskamaong nagpupugay ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa ikadalawampu't siyam na anibersaryo ng SANLAKAS. Mabuhay kayo, mga kasama!

Dalawampu't siyam na taon. Hindi biro ang pinagdaanan ninyo, ng ating organisasyon. Marami kayong natulungang maralita at marami kayong tagumpay na nakamit. Isa na riyan ang tagumpay ng pakikibaka ng mga maralita ng Sitio Mendez, na nang idemolis ay nagtungo at nagpiket sa Quezon City Hall. Matapos ang halos isang buwan ay nakamit nila ang kanilang kahilingang bumalik sa kanilang tahanan at isinagawa ang Martsa ng Tagumpay. Kamakailan lang ay ipinagdiwang nila ang kanilang ika-25 anibersaryo.

Nitong Agosto naman ay ika-20 anibersaryo ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) na kasama ang Sanlakas sa nagtayo sa kasagsagan ng pakikibaka ng mga vendor laban sa pamumuno noon ni Bayani Fernando sa MMDA. Kasama rin ang Sanlakas sa pagkakabuo ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), at aktibong kasapi ng Freedom from Debt Coalition (FDC) sa matagal na panahon.

Nakapagpaupo ng tatlong kongresista ang Sanlakas partylist mula pa noong 1998, sa katauhan nina Ka Rene Magtubo, Ka Mario Cruz, at Attorney JV Bautista.

Kasama ang Sanlakas sa maraming pakikibaka, tulad ng Kilusang Roll Back, Tent City sa harap ng Kongreso, pakikibaka laban sa utang, pagbabago ng klima, pagtulong sa mga maralita laban sa demolisyon, kasama ng manggagawa laban sa salot na kontraktwalisasyon, pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, pangangampanya ng murang kuryente at pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin, pagtaas ng sahod ng manggagawa, pagtuligsa sa extrajudicial killings, at marami pang isyu't laban ng sambayanan. Isang partido pulitikal na nakikibaka para sa karapatang pantao at hustisyang panlipunan. Napakaraming usaping ipinaglaban ng Sanlakas ang karapatan ng mga maliliit at aping sektor ng lipunan. Kasamang nangangarap ng isang lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao.

Sa ikadalawampu't siyam na anibersaryo ng Sanlakas, kami sa KPML ay taospusong bumabati, nagpapasalamat, at taaskamaong nagpupugay! Padayon! Sulong hanggang sa tagumpay!

Pinaghalawan:
https://sanlakasfamily.blogspot.com/2009/07/sanlakas-history-recorded-at-green-left.html
https://en.wikipedia.org/wiki/Sanlakas

Miyerkules, Oktubre 26, 2022

Pahayag ng KPML sa Global Media and Information Literacy week

PAHAYAG NG KPML SA GLOBAL MEDIA AND INFORMATION WEEK (OKTUBRE 24-31)
Oktubre 26, 2022

MAGBALITA NG WASTO AT KATOTOHANAN!
BAKAHIN ANG HALIBYONG O FAKE NEWS!
HISTORICAL DISTORTION AY LABANAN!
IPAGLABAN ANG KATOTOHANAN!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa Global Media and Information Literacy Week mula Oktubre 24 hanggang 31.

Sa panahong laganap ang halibyong o fake news, hindi lamang sa bansa kundi sa ibang panig ng daigdig, "idineklara noong 2021 ng UN General Assembly na gunitain ang Global Media and Information Literacy week, na binabanggit ang pangangailangan para sa pagpapakalat ng makatotohanan, napapanahon, napupuntirya, malinaw, naaabot, multilingguwal at nakabatay sa agham na impormasyon. Kinikilala ng resolusyon na ang malaking digital divide at hindi pagkakapantay-pantay ng mga datos na umiiral sa iba't ibang bansa at sa loob nito, ay maaaring matugunan sa bahagi sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga kakayahan ng mga tao na maghanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon sa digital na larangan." [malayang salin ng KPML]

Ang Global Media and Information Literacy Week, taun-taon na ginugunita, ay isang malaking okasyon para sa mga stakeholder upang suriin at ipagdiwang ang pag-unlad na nakamit tungo sa "Media at Information Literacy para sa Lahat." Nito lang Oktubre 19, 2022 ay naglabas ng advisory ang DepEd Caloocan hinggil sa "Philippine Celebration of the Global Media and Information Literacy Week" na kumikilala sa linggong ito upang ang literacy sa ating bansa ay matugunan, at ang puntirya nila sa kanilang mga aktibidad ay mga estudyante, guro, at media professionals.

Gayunpaman, sa ating bansa, laganap ang halibyong o fake news na nagdudulot ng historical distortion at paggawa ng mali upang mapabango ang mabantot na kasaysayan ng martial law, kung saan naisadokumento na ang 11,103 na mga biktima ng martial law ay sinasabi pang isang golden age ang panahong ito, na hindi totoo, kundi golden age of terror na masasabi.

Hinggil naman sa isyu ng literacy, ayon sa Global Data, "Habang mas maraming tao ang nakakakuha ng mas mahusay na edukasyon, bumuti ang rate ng literacy ng Pilipinas. Sa pagitan ng 2010-2021, pinakamataas ang literacy rate sa taong 2021 at pinakamababa sa taong 2018. Umabot sa 99.27% ang literacy rate noong 2021. Sa pagitan ng 2010 hanggang 2021, tumaas ng 1.4% ang literacy rate ng Pilipinas. Sa isang taon-sa-taon na batayan, tumaas ng 0.03% ang rate ng literacy noong 2021." [malayang salin ng KPML] Mataas ang literacy rate ng bansa kaya dapat matanggap nila ay mga totoong impormasyon kung nais nating hindi malinlang ng mga fake news ang mamamayan.

Nararapat na matanggap ng ating mga estudyante at mamamayan ay mga totoong impormasyon mula sa loob agt labas ng bansa. Nararapat nating bantayan ang mga kasinungalingan at tugunan ito ng mga datos ng katotohanan, upang hindi maligaw ang henerasyon ngayon at mga susunod pang henerasyon, sa kung ano ang mga tunay na pangyayari sa bansa, na pilit binabaluktot upang paboran ang isang pamilya o partido. Kaya nararapat nating ipaglaban ang katotohanan, at isadokumento ang mga totoong pangyayari upang hindi malinlang ng mga halibyong ang ating mga kababayan!

Dapat ay mabasa ng mamamayan ay ang katotohanan, hindi mga halibyong o fake news. Dapat nating ipaglaban ang katotohanan! Hindi sapat ang makatotohanang pagbabalita, kundi ang dapat ay totoong pagbabalita! Isinisiwalat ang katotohanan, ng may katibayan at dokumento!

Kaya ngayong isang linggo ng Global Information and Literacy Week, mahigpit na nakikiisa ang KPML sa lahat ng umaalala sa konsepto nito at mga nagpapahayag ng katotohanan laban sa mga kabaluktutan na pinaiiral ng mga tusong maysalapi't makapangyarihan para sa pansarili lang nilang kapakinabangan!

Pinaghalawan:
https://www.unesco.org/en/weeks/media-information-literacy
https://www.un.org/en/observances/media-information-literacy-week
https://depedcaloocan.com/philippine-celebration-of-the-global-media-and-information-literacy-week/
https://www.globaldata.com/data-insights/macroeconomic/literacy-rate-in-the-philippines/

Martes, Oktubre 25, 2022

Ang KPML sa Kasaysayan ng PCUP


ANG KPML SA KASAYSAYAN NG PCUP

Background (History) of PCUP

The 1960s saw the influx of migrants from the countryside to the urban centers thinking that life is better in the cities. The host cities, however, were not prepared to provide immediate employment opportunities, decent housing and basic services to the migrants so they remain unemployed or underpaid and unable to support themselves. Worst, they end up poorer thereby magnifying   the growing urban poor statistics. The fear of ejection and violence haunted the poor as they struggled for their place in society. When their situation worsened during the 1980s, urban poor groups banded together in search of possible solutions to their problems as well as opportunities for consultation on matters that affect them.

“Two months after the February political revolt, on April 10, 1986 the Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod, or KPML, had a dialogue with President Corazon C. Aquino and demanded for a moratorium on demolition, and for the establishment of the Presidential Arm on Urban Poor Affairs (PAUPA), a government unit that would allow avenues for the poor for consultation and participation on things that concern them.

On May 30 to June 2, 1986, another alliance was formed, the National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO), composed of two major groups of varying ideological leanings. This new organization pursued the same issues raised during their April 10 march to Malacanang. They stated, however, that they wanted to change PAUPA to PCUP or Presidential Council on Urban Poor.

On December 8, 1986, President Aquino issued Executive Order No. 82 which created PCUP, mainly a coordinative and advocacy body mandated to serve as the direct link of the urban poor to the government in policy formulation and program implementation addressed to their needs”.

Indeed, the creation of PCUP is one of the noblest and greatest legacy of President Corazon C. Aquino and a manifestation of her love and respect for the rights and sentiments of the urban poor. It is only in the Philippines that the Office of the President has an agency directly looking after the concerns of the urban poor.  Being the coordinating and monitoring arm of the President, PCUP has a direct reportorial function to the Office of the President.

This mandate was reinforced on January 30, 1989 by Administrative Order No.111 directing concerned government departments, agencies and offices to coordinate with PCUP and actively participate in activities concerning the urban poor.

Significant gains were attained but the advent of urbanization lured more people to the metropolis and compounded the problem. On September 27, 2004, Former President Gloria Macapagal-Arroyo, issued Executive Order No.364, transforming the Department of Agrarian Reform (DAR) into the Department of Land Reform (DLR) which included the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) and the PCUP to take charge of ancestral domain reform and urban land reform, respectively. Executive Order No. 456 dated August 23, 2005 renamed the DLR as DAR.

Pahayag ng KPML sa International Lead Poisoning Prevention Week


PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL LEAD POISONING PREVENTION WEEK (OKTUBRE 23-29)
Oktubre 25, 2022

PANGALAGAAN ANG MAMAMAYAN, LALO NA ANG MGA BATA
LABAN SA LEAD POISONING MULA SA MGA PINTURA!
ITAGUYOD ANG LEAD-FREE PHILIPPINES!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa EcoWaste Coalition at sa iba pang samahan sa pag-alala sa International Lead Poisoning Prevention Week mula Oktubre 23 hanggang 29 ngayong taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ngayong 2022 ang ikasampung taon ng pag-alala sa Ang ikasampung International Lead Poisoning Prevention Week (ILPPW). Ang pokus ng kampanya ngayong taon na “Say No to lead poisoning” na nagpapaalala sa mga pamahalaan, civil society organizations, health partners, industriya at iba pa sa mga hindi katanggap-tanggap na panganib ng lead exposure at ang pangangailangang kumilos. Ang kampanya ay mula sa tagumpay sa pagbabawal sa paggamit ng tingga sa petrolyo at ang pagsulong na nagawa ng maraming bansa sa pagsasabatas ng paglilimita sa paggamit ng tingga sa pintura, lalo na yaong naglalantad sa mga bata sa mga tahanan, paaralan at palaruan.

Ayon pa sa WHO, ang lead o tingga ay lahok-lahok na elementong nakakaapekto sa katawan at partikular na nakakapinsala sa mga bata. Walang antas ng pagkakalantad sa lead ang walang nakakapinsalang epekto. Ito'y nakakalasong metal na ang malawakang paggamit ay nagdulot ng malawak na kontaminasyon sa kapaligiran at mga problema sa kalusugan sa maraming bahagi ng mundo. Nakakaapekto ito sa maraming sistema ng katawan, kabilang ang neurological, haematological, gastrointestinal, cardiovascular, immune at renal system. Ang mga bata ay hihina sa mga neurotoxic na epekto ng lead, at kahit na medyo mababa ang antas ng pagkakalantad ay maaaring magdulot ng seryoso at, sa ilang mga kaso, hindi maibabalik na pinsala sa neurological.

Ayon naman sa EcoWaste Coalition, "Ang taunang International Lead Poisoning Prevention Week (ILPPW) ay naglalayong bigyang pansin ang mga epekto sa kalusugan ng pagkakalantad ng lead, i-highlight ang mga pagsisikap ng mga bansa at kasosyo upang maiwasan ang pagkakalantad ng lead sa pagkabata, at pabilisin ang mga pagsisikap na ihinto ang paggamit ng lead sa pintura." [malayang salin ng KPML]

Ano ang mga epektong pangkalusugan ng lead poisoning? Ayon sa website ng Mayo Clinic, ang sintomas ng lead poisoning ay high blood pressure, joint and muscle pain, hirap makaalala at magkonsentra, sakit sa ulo, abdominal pain, mood disorders, bumababang sperm count at abnormal sperm, miscarriage, stillbirth or premature birth sa mga buntis.

Isa sa mga dapat gawin ay ang pag-phase out ng lead paint bilang prayoridad na aksyon para sa mga gobyernong kasama sa WHO, tulad ng Pilipinas. Dapat pangalagaan natin ang ating mga anak at apo sa pagkakalantad sa ganyang uri ng nakalalasong metal. Mahirap nang manalasa ang lead poisoning sa ating bansa. Ayon pa sa EcoWaste Coalition, "we call for heightened vigilance against lead-containing paints and the sustained promotion and strict enforcement of the award-winning DENR A.O. 2013-24, or the Chemical Control Order (CCO) for Lead and Lead Compounds, and push for a lead-free Philippines for all!"

Kaya kami sa KPML ay nakikiisa sa panawagan ng Ecowaste Coalition, WHO, at iba pang samahan, upang maiwasan ang lead poisoning sa ating mga komunidad.

Pinaghalawan:
https://www.facebook.com/EWCoalition/photos/a.10150317713135251/10166434770500251/
https://www.who.int/campaigns/international-lead-poisoning-prevention-week/2022
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lead-poisoning/symptoms-causes/syc-20354717

Lunes, Oktubre 24, 2022

Pagsusulat sa pahayagang Taliba ng Maralita

PAGSUSULAT SA PAHAYAGANG TALIBA NG MARALITA
Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

Pag tinatanong ako ng mga kakilalang manunulat kung saang pahayagan ako nagsusulat, ang tanging nasasabi ko ay: "Nagsusulat ako sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)."

Hindi ako nagsusulat sa iba pang publikasyon sa kasalukuyan kundi sa Taliba ng Maralita. Bagamat dati ay nagsusulat ako sa publikasyong Obrero ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (2003-2010), magasing Tambuli ng BMP (1998-1999), sa dalawang isyu ng magasing Maypagasa ng grupong Sanlakas (1997 at 1998), sa walong isyu ng magasing Ang Masa ng Partido Lakas ng Masa (2011-2012), isang isyu ng pahayagang Ang Sosyalista ng PLM (bandang 2006 o 2007), sa pitong isyu ng magasing Tambuli ng Dakilang Lahi, na inilathala ng Kamalaysayan (2006).   

May nakabasa raw ng tula kong ambag sa magasing Liwayway, ngunit hindi ko nakita. May ilang artikulong nalathala sa tabloid na Dyaryo Uno (wala na ngayon). Nakapaglathala ng ilang Letter to the Editor sa Inquirer. May nalathalang sanaysay sa ANI 41 ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Nagsimula ako bilang staffwriter ng dalawang taon at features and literary editor ng publikasyong pangkampus na The Featinean (1993-1997), at nakapag-ambag sa iba pang publikasyon. Subalit ang Taliba ng Maralita talaga ang nagbigay ng pagkakataon sa akin na magtuloy-tuloy sa pagsusulat. 

Nang magsimula ako sa KPML bilang staff noong 2001 hanggang 2008 ay isa ang Taliba ng Maralita sa aking inasikaso. Lumalabas ito ng isang beses kada tatlong buwan o apat na beses sa isang taon sa sukat na 11" x 17" na spreadsheet. Walong pahina.

Nang ako'y maging sekretaryo heneral na ng KPML noong Setyembre 2018 hanggang sa kasalukuyan, muli kong binuhay ang Taliba ng Maralita, at hindi ko ito pinabayaan. Ngunit hindi na 11" x 17" ang sukat kundi tiniklop na short bond paper, kaya lumiit na ang sukat. Dalawampung (20) pahina na. Noong simulan ito ng Setyembre 2018, ginawa namin itong isang beses isang buwan, hanggang Pebrero 2019. Subalit sa dami ng mga pangyayari, balita, at naiisip kathaing kwento, ay ginawa na namin itong dalawang beses isang buwan. Kaya simula Marso 2019 hanggang sa kasalukuyan ay dalawang isyu na kada buwan ang aming inilalathala. 

Tanging ang isyu ng Hulyo 2019 ang naiiba, isyung pang-SONA, dahil itong isyu lang ang muling naglathala ng sukat na 11" x 17", dahil may nag-sponsor. Walong pahina. Matapos ang isang beses na may naglathalang labas sa KPML, bumalik kami sa sukat ng short bond paper na may 20 pahina.

Sa layout, sa unang pahina lagi ang headline o tampok na artikulo o pangyayari sa loob ng nakaraang dalawang linggo. Ang pahina 2 ay hinggil sa batas at karapatan. Ang pahina 3 ay editoryal, cartoons, at adres ng pahayagan. Ang pahina 4, na maaaring maging pahina 4-5, ay ang kolum ng pambansang pangulo ng KPML. Ang pahina 20 ay pawang tula. Habang may isa o dalawang pahina para sa panitikan. Habang ang mga natira pang pahina ay para sa pahayag ng KPML sa mga isyu, balita maralita, komiks na Mara at Lita, at iba pang sanaysay na dapat ilathala upang mabasa ng mga kasapi ng KPML.

Pinagbubutihan namin ang paggawa nito upang may mabasa ang kasapian ng KPML hinggil sa iba't ibang isyu, balita, at paninindigan ng mga maralita. Dahil nalalathala rito ang kasaysayan at paninindigan ng KPML sa samutsaring isyu ng bayan, pati na mga aktibidad na dinadaluhan ng KPML ay tinitiyak naming may pahinang nakalaan sa mga iyon.

Kaya kung may maghahanap ng kasaysayan at mga pahayag ng KPML mula Setyembre 2018 hanggang sa kasalukuyan ay may maipapakita tayo. Kaya sa mga nagtatanong sa akin na mga kakilala at kilalang manunulat kung saan ako nagsusulat, at saan nalalathala ang mga katha kong kwento at mga tula, aba'y ipinagmamalaki kong sabihing sa Taliba ng Maralita!

Maraming salamat sa lahat ng mga sumusuporta sa Taliba ng Maralita! Mabuhay ang mga kasamang bumubuo ng ating publikasyon! Mabuhay din ang lahat ng mambabasa ng Taliba ng Maralita!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

Pahayag ng KPML sa World Iodine Deficiency Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD IODINE DEFICIENCY DAY
Oktubre 21, 2022

IWASAN ANG PAGKAKASAKIT NG THYROID AT GOITER!
KALUSUGAN NG MAMAMAYAN AY PANGALAGAAN! 
IODINE DEFICIENCY DISORDERS (IDD) AY IWASAN!
INDUSTRIYA NG ASIN SA PILIPINAS, PAUNLARIN!
MANGGAGAWA NG ASIN SA BANSA, SUPORTAHAN!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa World Iodine Deficiency Day. Ang Global Iodine Deficiency Disorders (IDD) Prevention Day o World Iodine Deficiency Day ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing ika-21 ng Oktubre. 

Sa World Summit for Children noong 1990, nagtakda ang mga pinuno ng daigdig ng layunin na alisin ang mga kakulangan sa iodine sa taong 2000. Sa mga sumunod na taon, ang mga bansang gaya ng India at China ay naglunsad ng kani-kanilang National Day for the Prevention of Iodine Deficiency Disorders.

Ayon sa World Health organization (WHO), "Ang mga iodine-deficiency disorders (IDD), na maaaring magsimula bago ipanganak, ay nagsasapanganib sa kalusugan ng isip ng mga bata at kadalasan ang kanilang kaligtasan. Sa panahon ng neonatal, pagkabata at pagbibinata, ang mga IDD ay maaaring humantong sa hypothyroidism at hyperthyroidism. Ang malubhang kakulangan sa iodine sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magresulta sa panganganak ng patay, kusang pagpapalaglag at mga congenital na abnormalidad tulad ng cretinism - isang malubha at hindi maibabalik na anyo ng mental retardation na nakakaapekto sa mga taong naninirahan sa mga lugar na kulang sa iodine sa Africa at Asia. Ang mas malaking kahalagahan ay ang hindi gaanong nakikita, ngunit malaganap, ang kapansanan sa pag-iisip na nagpapababa ng kakayahan sa intelektwal sa tahanan, sa paaralan at sa trabaho." [malayang salin ng KPML]

Ang iodine ay isang mahalagang micronutrient na kinakailangan para sa normal na galaw ng thyroid, paglaki, at pag-unlad. Dahil ang kakulangan sa iodine ang pinakakaraniwang sanhi ng goiter sa Pilipinas, pinapayuhan ang mga tao na gumamit ng iodized salts sa kanilang pagkain at kumain ng mga pagkaing mayaman sa iodine tulad ng mga dairy products, seafood (shellfish at seaweeds), karne, tinapay at itlog.

Sa Pilipinas, naisabatas ang Republic Act 8172, o ang Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN LAW), na batas na nagdaragdag ng iodine sa asin na inilaan para sa pagkain ng hayop at tao upang maalis ang micronutrient malnutrition sa bansa. Ang Batas ay inaprubahan noong Disyembre 20, 1995 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Subalit ngayon, nagkukulang ang mga asin sa bansa at kailangan pa nating umangkat ng asin, bagamat napapalibutan tayo ng dagat. Kaya bakit natin kailangang umangkat ng asin? Tutubo na naman ba rito ay mga kapitalista? Dapat suportahan ang produksyon ng asin sa bansa, at ang mga asin na magagawa ng ating mga manggagawa ay lagyan ng iodine kung kinakailangan. Suportahan din ang mga manggagawa ng asin na maging regular sa trabaho, hindi kontraktwal, at may maayos na pasahod.

Kailangan ng mga maralitang isang kahig, isang tuka, na maging malusog ang kanilang mga anak sa paglaki, upang hindi lumaki ang mga ito na payat at mahina, Kaya ang pangangailangan ng iodine ay isama sa lahat ng programa para sa mga bata, lalo na ang mga mahihirap.

Pinaghalawan:
https://doh.gov.ph/node/16406
https://www.who.int/data/nutrition/nlis/info/iodine-deficiency
https://nnc.gov.ph/regional-offices/mindanao/region-xi-davao-region/7066-asin-law

Miyerkules, Oktubre 19, 2022

Pahayag ng KPML sa Global Dignity Day

PAHAYAG NG KPML SA GLOBAL DIGNITY DAY
O PANDAIGDIGANG ARAW NG DIGNIDAD
Oktubre 19, 2022

DIGNIDAD NG ATING KAPWA AY PAHALAGAHAN!
DIGNITY OF LIFE AT DIGNITY OF LABOR, PAHALAGAHAN!
SALOT NA KONTRAKTWALISASYON, WAKASAN!
DUE PROCESS AY IGALANG! STOP THE KILLINGS!
HUSTISYA SA MGA INAPI'T PINAGSASAMANTALAHAN!
ITAYO ANG LIPUNANG MAY PAGGALANG SA DIGNIDAD!

Tuwing ikatlong Miyerkules ng Oktubre ay inaalala sa mahigit 80 bansa ang Global Dignity Day mula pa noong 2008. Ngayong 2022, ito'y pumapatak ng Oktubre 19. Ito'y isang pagdiriwang ng pagkakaisa sa paniniwalang ang bawat isa ay karapat-dapat na mamuhay ng marangal. 

Batay sa pananaliksik, "Ang Global Dignity Day ay isang inisyatiba upang turuan at bigyang-inspirasyon ang mga kabataan at tulungan silang maunawaan ang kanilang pagpapahalaga sa sarili at mga layunin. Sa Pandaigdigang Araw ng Dignidad, ang mga tagapagsalita ay pumupunta sa mga paaralan at sinasabi sa mga mag-aaral ang tungkol sa kanilang sariling buhay at mga karanasan nang may dignidad at lahat ng kailangan: paggalang sa sarili, ambisyon, pagsusumikap, isang pakiramdam ng tagumpay. Ang mga nagsasalita ay maaaring maging anumang nasyonalidad at anumang propesyon, mula sa mga tubero hanggang sa CEO hanggang sa mga sundalo hanggang sa mga manggagawa sa pabrika." [malayang salin ng KPML)

Ano nga ba ang dignidad? Tingnan natin ang nakasulat Sa Preambulo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR): "All human beings are born free and equal in dignity and rights. They are endowed with reason and conscience and should act towards one another in a spirit of brotherhood." [Lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pagkakapantay sa dignidad at karapatan. Pinagkalooban sila ng katwiran at budhi at dapat makitungo sa kanilang kapwa sa diwa ng pagkakapatiran. - malayang salin ng KPML]  

Ang dignidad ng tao, samakatuwid, ay likas, positibo, at nagtataguyod ng isang pakiramdam ng kaganapan at kasiyahan, na nagpapatibay sa pagkatao. Halimbawa, noong panahon ng lipunang alipin, ang pagiging alipin ay kabaligtaran ng dignidad dahil ang mga tao ay hindi itinuturing na karapat-dapat, hindi itinuturing na kapwa tao, kundi isang bagay, na pag nais patayin ng panginoong may-alipin ang alipin ay nagagawa at pinapayagan noong panahong iyon.

Sa ating bansa, maraming pagpaslang ang naganap sa panahon ng War on Drugs kung saan ang due process ay hindi na iginalang, kaya maraming ina ang hanggang ngayon ay lumuluha at naghahanap ng hustisya para sa kanilang anak. Ayon sa ulat ng Rappler noong Setyembre 2020, nasa 7,884 drug suspects ang napatay ng pulisya mula nang maupo si Duterte sa pwesto hanggang Agosto 31, 2020. Ayon sa datos ng gobyerno, 6,229 katao ang napatay sa mga operasyon kontra droga ng pulisya mula Hulyo 1, 2016, hanggang Enero 31, 2022. Hindi kasama sa bilang na ito ang mga biktima ng vigilante-style killings, na tinatantya ng mga human rights group na nasa pagitan ng 27,000 at 30,000. Nasaan ang dignidad ng tao kung walang due process? Kung may pagkakasala, hulihin at panagutin, hindi dapat basta paslangin!

Sa usapin ng Dignity of Labor, napakaraming manggagawa sa Pilipinas ang kontraktwal, kung saan marami ang regular sa manpower agencies ngunit hindi sa prinsipal na employer. Pinaikutan ng mga kapitalista ang batas. Ayon kay Atty. Luke Espiritu, pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, ang mga manpower agencies ay mga linta o parasite na wala namang ambag sa produksyon subalit kumukubra ng malaki sa kapitalista. Kawawa ang mga manggagawa! Nasaan ang dignidad ng manggagawa kung patuloy na pinaiiral ang salot na kontraktwalisasyon? Dapat nang buwagin ang mga lintang manpower agencies!

Sa mga maralitang nais tanggalan ng tirahan dahil may nakabili na ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay, dapat magkaroon ng maayos na relokasyon o paglilipatan sa kanila, kung saan ang relokasyon ay may maayos at sapat na serbisyong panlipunan, tulad ng tubig at kuryente, at hindi sila basta itaboy na parang daga.

Para sa KPML, dapat lang umiral ang isang lipunang makatao na wala nang pagsasamantala ng tao sa tao, at iginagalang ang dignidad ng bawat tao!

Pahalagahan natin ang dignidad ng kapwa tao! 
Panagutin ang mga maysala sa mga pagpaslang!
Manpower agencies, buwagin! Kontraktwalisasyon, wakasan!
Paggalang sa karapatang pantao at pag-iral ng hustisyang panlipunan ay katumbas ng ating dignidad!

Pinaghalawan:
https://globaldignity.org/global-dignity-day/
https://www.daysoftheyear.com/days/global-dignity-day/
https://humanrightsmeasurement.org/extrajudicial-killings-in-the-philippines/
https://idpc.net/alerts/2022/04/philippines-lack-of-accountability-paves-way-for-more-killings-in-duterte-drug-war-amnesty-international
https://www.ilo.org/washington/dignity-at-work/lang--en/index.htm
https://en.wikipedia.org/wiki/Dignity_of_labour

Pahayag ng KPML sa International Day Against Breast Cancer

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY AGAINST BREAST CANCER
Oktubre 19, 2022

KALUSUGAN AY PANGALAGAAN 
UPANG KANSER SA SUSO AY MAIWASAN

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International Day Against Breast Cancer o Pandaigdigang Araw Laban sa Kanser sa Suso.

Inaalala ng World Health Organization ang Oktubre 19 bilang Pandaigdigang Araw Laban sa Kanser sa Suso na may layuning itaas ang kamalayan at isulong ang akses ng kababaihan sa napapanahon at epektibong mga kontrol, pagsusuri, at paggamot.

Ayon sa pananaliksik, noong 2020, may humigit-kumulang 27.2 thousand na bagong kaso ng breast cancer sa Pilipinas. Ang kanser sa suso ang may pinakamaraming bagong kaso ng kanser at ang sakit ay itinuturing na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. 26 na babae sa 100 babae at 1 lalaki sa bawat 105 lalaki ay maaaring masuri na may kanser sa suso sa Pilipinas.

Ang unang mapapansing sintomas ng kanser sa suso ay karaniwang bukol sa suso na masasalat na iba sa iba pang mga tisyu ng suso. Ang higit sa 80% ng mga kaso ng kanser sa suso ay natutuklasan kapag nasasalat ng babae ang isang bukol. Ang mga bukol na natagpuan sa mga kulani na matatagpuan sa kili kili ay maari ring indikasyon ng kanser sa suso. Ang mga indikasyon ng kanser bukod sa bukol ay maaaring kabilangan ng pagkapal na iba sa iba pang mga tisyu ng suso na ang isang suso ay nagiging mas malaki o mas mababa, pagbabago ng posisyon ng nipple o hugit nito o pagbaliktad nito, pagbibiloy ng balat, isang rash sa o palibot ng nipple, mga paglalabas ng pluido sa nipple, patuloy na sakit sa bahagi ng suso o kili kili at pamamaga sa ilalim ng kili kili o sa palibot ng buto ng kabikula.[11] Ang sakit("mastodynia") ay isang hindi maasahang kasangkapan sa pagtukoy ng presensiya o kawalan ng kanser sa suso ngunit maaari ring indikasyon ng iba pang isyu ng kalusugan sa suso.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na pagkalat ng breast cancer sa Asya, at ika-9 na pinakamataas sa mundo ngayon. Kahit na sa matagumpay na pagbabawas ng pagkamayabong at pagbabago ng pamumuhay ng mga kababaihang Pilipino, ang kakulangan o kawalan ng kaalaman sa kalusugan ng dibdib ay nag-ambag sa naitalang pinakamataas na paglaganap nito sa Asya. Ito ay dahil sa limitadong kita, mataas na gastos ng mga diagnostic test at pangangalaga sa ospital, mababang antas ng edukasyon, at kawalan ng kamalayan sa kanser sa suso.

Dito sa Pilipinas, may nabuong grupong KASUSO Philippine Foundation for Breast Care Inc. noong 2001, na isa sa pangunahing grupong nakatutok sa kanser sa suso. Sila'y may programa tulad ng Bantay Bukol, Bigay Buhay, Bukas Bintana, Buhay Bahay, Balik Breast Care Center, at iba pa. Malaki ang maitutulong ng ganitong organisasyon upang maiwasan ang maagang pagkamatay dulot ng kanser sa suso.

Ayon sa mga eksperto, "karamihang kanser sa suso ay unang mapapansin ng mismong pasyente. Dahil mas mataas ang bilang ng nalulunasan sa unang yugto nito, dapat na palaging may kamalayan ang mga kababaihan at may sariling pagsusuri sa kanilang mga suso bawat buwan. Makatutulong ang malusog na paraan ng pamumuhay na mapababa ang panganib ng kanser sa suso. Dapat may regular na ehersisyo. Kumain ng mas maraming sariwang gulay at prutas at iwasan ang mga pagkaing may mataas na taba. Huwag uminom ng alkohol o manigarilyo."

Ngayong Oktubre 19, alalahanin natin ang mga kababaihan at pasyenteng may kanser sa suso na patuloy na lumalaban sa sakit na ito at nais pang mabuhay ng matagal. Nawa'y makayanan nila ito't gumaling sila sa kanilang karamdaman.

Pinaghalawan:
https://masterhome.es/en/october-19-international-day-against-breast-cancer/
https://www.statista.com/statistics/1030740/new-cases-cancer-number-philippines-by-type/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kanser_sa_suso
https://www.kasuso.org/boobie-programs
https://www21.ha.org.hk/smartpatient/EM/MediaLibraries/EM/Diseases/Cancer/Breast%20Cancer/Cancer-Breast-Cancer-Tagalog.pdf?ext=.pdf
https://psa.gov.ph/sites/default/files/4.2.2%20Risk%20Factors%20of%20Breast%20Cancer%20among%20Women%20A%20Meta%20Analysis.pdf

Lunes, Oktubre 17, 2022

Pahayag ng KPML sa International Day for the Eradication of Poverty

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY FOR THE ERADICATION OF POVERTY
Oktubre 17, 2022

MALULUTAS ANG KAHIRAPAN KUNG MAGKAKAISA 
ANG DUKHA'T URING MANGGAGAWA UPANG ITAYO 
ANG ISANG LIPUNANG MAKATAO, SISTEMANG 
PANTAY, AT MAY PAGPAPAHALAGA SA LAHAT!
NEOLIBERALISMO, WAKASAN! BAGUHIN ANG SISTEMA!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa International Day for the Eradication of Poverty o Pandaigdigang Araw Upang Pawiin ang Kahirapan tuwing Oktubre 17.

Bakit may ganitong araw? Ang International Day for the Eradication of Poverty ay isang internasyonal na pag-alala bawat taon tuwing Oktubre 17 sa buong mundo. Ang unang paggunita, ang "World Day to Overcome Poverty" ay naganap sa Paris, France, noong 1987 nang 100,000 katao ay nagtipon sa Human Rights and Liberties Plaza sa Trocadéro upang parangalan ang mga biktima ng kahirapan, gutom, karahasan, at takot sa pagpapasinaya ng isang paggunitang bato ni Joseph Wresinski, tagapagtatag ng International Movement ATD Fourth World. Noong 1992, apat na taon pagkatapos ng kamatayan ni Wresinski, opisyal na itinalaga ng United Nations ang Oktubre 17 bilang International Day for the Eradication of Poverty.

Mas maraming Pilipino ang mahihirap ngayong 2022 kumpara noong 2018, ayon sa pinakahuling opisyal na datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sa pagbanggit sa Family Income and Expenditure Survey nito, sinabi ng PSA na ang bansa ay mayroong 19.99 milyong indibidwal na nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold. Ito ay kumakatawan sa 18.1 porsyento ng populasyon. Noong 2018, mayroong 17.67 milyong mahihirap na Pilipino. Samantala, tumaas ng 1.01 milyon ang bilang ng mga “mahihirap sa pagkain”. Iniulat din ng PSA ang 7.8 porsiyentong unemployment rate, na katumbas ng 3.71 milyong Pilipinong walang trabaho.

Sapat ba ang ayuda sa mga mahihirap? O dapat baguhin ang lipunan upang wala nang naghihirap? Tandaan natin ang sinabi ni Obispo Helder Câmara nang minsan niyang sinabi sa kanyang pangangaral, "Kapag nagbibigay ako ng pagkain sa mahihirap, tinatawag nila akong santo. Kapag tinanong ko kung bakit sila mahirap, tinatawag nila akong komunista." Bakit nga ba ganito?

Huwag tayong pumayag na nais lang ng mga mayayaman na maglimos sa mga mahihirap upang makarating daw sila sa langit, kundi dapat mawala ang pagkakahati ng tao sa iilang mayaman at laksang mahihirap. Hindi natin kailangan ng limos lalo't ginagamit lang ng mayayamang pulitiko ang mga mahihirap para sa kanilang ganansya sa pulitika. Ang dapat ay pag-aralan natin ang lipunan, at durugin ang dahilan kung bakit may ilang mayayaman at laksa-laksa ang mahihirap. Dapat nang baguhin ang ganitong bulok na sistema!

Kaya kami sa KPML ay nakikiisa sa lahat ng marginalized sector o saray ng sagigilid, laluna sa uring manggagawa, sa kanilang pagkilos laban sa bulok na sistemang nagdulot ng kaapihan at pagsasamantala ng tao sa tao. Dapat nang baguhin ang sistemang nagsulot ng lalo't lalong kahirapan sa mamamayan. Dapat nang itayo ang isang lipunang makatao na may pagkakapantay at hustisyang lipunan!

Pinaghalawan:
https://www.un.org/en/observances/day-for-eradicating-poverty
https://en.wikipedia.org/wiki/International_Day_for_the_Eradication_of_Poverty
https://thediplomat.com/2022/09/making-sense-of-the-philippines-latest-poverty-statistics/

Linggo, Oktubre 16, 2022

Pahayag ng KPML sa World Food Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD FOOD DAY
Oktubre 16, 2022

PAGPUPUGAY SA LAHAT NG MAGSASAKA'T 
MANGGAGAWANG LUMILIKHA NG PAGKAIN!

GAYUNMAN, SA KAUNLARANG INABOT NG LIPUNAN,
KAYA NANG PAKAININ ANG SANGKATAUHAN,
SUBALIT KAYRAMI PA RING NAGUGUTOM!

Tara. Kain tayo. Mangan. Kaon kamo. Let's eat! Samutsaring salita upang sabihing kumain tayo ng sabay, at saluhan ang isa't isa. Tanda ng pakikisama at pakikipagkapwa-tao.

Gayunman, sa kaunlarang inabot ng lipunan, kaya nang pakainin ang sangkatauhan, subalit marami pa ring nagugutom! Nakarating na ang tao sa buwan, subalit kayrami pa ring nagugutom! Bakit ganito? Ayon sa datos ng World Food Programme, "Aabot sa 828 milyong tao ang natutulog nang gutom gabi-gabi, ang bilang ng mga nahaharap sa matinding kawalan ng pagkain ay tumaas - mula 135 milyon hanggang 345 milyon - mula noong 2019. Isang kabuuang 50 milyong katao sa 45 na bansa ang naliligalig sa gilid ng taggutom. Habang ang mga pangangailangan ay abot-langit, ang mga mapagkukunan ay umabot sa pinakamababa. Nangangailangan ang World Food Program (WFP) ng US$24 bilyon upang maabot ang 153 milyong tao sa 2022. Gayunpaman, sa pag-uurong ng pandaigdigang ekonomiya mula sa pandemya ng COVID-19, ang agwat sa pagitan ng mga pangangailangan at pagpopondo ay mas malaki kaysa dati." [malayang salin ng KPML]

Ngayong World Food Day o Pandaigdigang Araw ng Pagkain, ating alalahanin ang mga nagugutom at walang makain, lalo na't bukas naman ay International Day for the Eradication of Poverty o Pandaigdigang Araw upang Pawiin ang Kahirapan. Magkakasunod na araw, magkakaugnay na usapin.

Ang World Food Day tuwing Oktubre 16 ay pag-alala sa petsa ng pagkakatatag ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), na may layuning pataasin ang kamalayan sa kagutuman at kahirapan sa mundo at magbigay ng inspirasyon sa mga solusyon para sa pagbabago ng mundo.

Dito sa Pilipinas, maraming pagkain ang tira-tira sa mga fast food na kinukuha ng mga maralita, ipinapagpag muna, bago lutuin. Bakit ganito? Wala na bang dangal kaya kahit tira-tira'y muling niluluto at kinakain? Gayunpaman, sa 2022 Global Hunger Index, nasa ika-69 ang Pilipinas sa 121 na bansa na may sapat na data para makalkula ang 2022 GHI scores. Sa iskor na 14.8, ang Pilipinas ay may antas ng kagutuman na katamtaman.

Sa paggunita natin sa World Food Day, alalahanin nating maraming nagugutom pa rin sa kabila ng kaunlaran ng lipunan. Kaya patuloy pa rin nating pangarapin ang pagtatayo ng tunay na makataong lipunan, kung saan walang pagsasamantala ng tao sa tao, upang makakain ang lahat. Makakain ang bawat tao dahil sa kaunlarang inabot na ng lipunan, subalit dahil sa kapitalismo'y hindi nangyayari. Ang mga sobrang pagkain ay nais pang mabulok pag hindi naibenta imbes na ibigay sa mga nagugutom. Dapat nang palitan ang ganitong bulok na sistema!

Kaya ang KPML ay patuloy na nakikiisa sa uring manggagawa at sa lahat ng mga nakikibaka upang maitayo ang isang lipunang makataong tunay na mangangalaga sa kapakanan ng mga maralita. Sa ganitong nakikita nating sa kabila ng kaunlaran ay marami pa ring nagugutom, dapat na talagang baguhin ang bulok na sistema at itayo ang lipunang pantay at may malasakit sa bawat isa! Bulok na sistema, palitan na!

Pinaghalawan:
https://www.wfp.org/global-hunger-crisis
https://www.un.org/en/delegate/get-caught-world-food-day-2021
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Food_Day

Sabado, Oktubre 15, 2022

Pahayag ng KPML sa International Day of Rural Women

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY OF RURAL WOMEN
Oktubre 15, 2022

AMBAG NG KABABAIHAN SA KANAYUNAN, PAHALAGAHAN!
BIGYANG-SUPORTA ANG MGA KABABAIHAN SA NAYON!
KABABAIHAN SA LUNGSOD AT KANAYUNAN, MAGKAISA!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International Day of Rural Women (o Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan) tuwing ika-15 ng Oktubre taun-taon.

Napakatatag ng mga kababaihan sa kanayunan. Bilang mga ina, bilang magsasaka, napapakain nila ang kanilang pamilya at tinitiyak na hindi sila nagugutom. Mula sa pagtatanim hanggang sa pagproseso, paghahanda at pamamahagi ng mga pagkain, ang lakas-paggawa ng kababaihan - binabayaran at hindi binabayaran - ang nagpapakain sa kanilang mga pamilya, sa komunidad at sa daigdig.

Noong 1995, sa Ikaapat na Pandaigdigang Kumperensya sa Kababaihan sa Beijing, Tsina, nang ilatag ang ideya ng pagbibigay-kapangyarihan at pagpaparangal sa kababaihan. Dahil ang Oktubre 16 ay World Food Day, iminungkahi na ang Oktubre 15 ay ipagdiwang bilang International Day of Rural Women upang pahalagahan ang kontribusyon ng mga kababaihan sa kanayunan sa agrikultura, produksyon ng pagkain, at kaligtasan sa pagkain.

Noong Disyembre 18, 2007, idineklara ng United Nations General Assembly ang resolusyon nitong 62/136 na ang Oktubre 15 ay ipagdiriwang taun-taon bilang International Day of Rural Women sa buong daigdig. Simula noon, inaalala na ang  International Day of Rural Women sa maraming bansa at ipinagdiriwang ang lakas at tagumpay ng mga kababaihang ito sa pagpapanatili ng mga sambahayan sa kanayunan at pangkalahatang kagalingan ng komunidad, sa kabila ng mga pakikibaka at mga stereotype.

Ayon sa datos ng International Labor Organization (ILO-Manila), "Mayroong halos dalawang milyong kababaihan na nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, pangingisda at pagmimina sa Pilipinas. Bukod sa mga panganib na partikular sa kasarian, ang mga babaeng manggagawa sa kanayunan ay nahaharap sa tiyak na padron ng pinsala at sakit, kabilang ang karahasan at panliligalig, kakulangan ng mga pangunahing karapatan sa paggawa at mga benepisyo sa proteksyong panlipunan." Ang tumitinding kahirapan sa kanayunan ang nagtulak sa mga pamilya na lumipat sa mga sentrong lungsod kung saan sila makakahanap ng ibang trabaho. 

Mayorya ng mga kasapi ng KPML ay kababaihan, at karamihan sa kanila ay mula sa lalawigan. Kaya nauunawaan ng mga maralitang lungsod ang kalagayan ng kababaihang nayon. Kaya sa pagharap sa samutsaring krisis tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nakakaangkop ang mga kababaihang nayon dahil sila ang nagtatanim ng kanilang kinakain. Gayunman, marami pa ring suliranin, tulad ng saan kukunin ang pangmatrikula ng mga anak na nais nilang mapagtapos.

Nangangarap ang mga kababaihang nayon ng kaginhawaan sa pamumuhay, tulad din ng mga maralitang lungsod na nais maitayo ang lipunang makatao na makakamit din nila ang kaginhawaan ng sambayanan. Halina't pagpugayan ang mga kababaihan sa kanayunan sa kanilang ambag sa ating lipunan. At kung kailangan, sila'y ating suportahan. Sa pag-unlad ng lipunan, dapat walang maiiwan.

Pinaghalawan:
https://www.ilo.org/manila/public/pr/WCMS_841421/lang--en/index.htm
https://www.un.org/en/observances/rural-women-day

Biyernes, Oktubre 14, 2022

Pahayag ng KPML sa International E-Waste Day

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL E-WASTE DAY
Oktubre 14, 2022

PANGALAGAAN ANG KAPALIGIRAN AT KALUSUGAN NG MADLA!
ELEKTRONIKONG BASURA O E-WASTE AY DAPAT PANGASIWAANG TAMA!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International E-Waste Day o Pandaigdigang Araw ng Elektronikong Basura tuwing Oktubre 14!

Ang International E-Waste Day ay binuo noong 2018 ng Waste Electrical and Electronic Equipment recycling (WEEE) Forum upang itaas ang pampublikong kamalayan hinggil sa pagresiklo ng mga basurang elektrikal at elektronikong kagamitan at hikayatin ang mga mamamayan na magresiklo. Ngayong 2022 ang ikalimang edisyon ng International E-Waste Day, na may temang "“Recycle it all, no matter how small!”

Sa pananaliksik ng KPML, mayroon nang Batas Republika 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act noon pang 1990. Layunin ng nasabing batas na isaayos ang pag-aangkat, paggawa, pagproseso, paghawak, pag-iimbak, transportasyon, pagbebenta, pamamahagi, paggamit, paggamot, at pagtatapon ng mga nakakalason na kemikal at mga mapanganib na basura na nagdudulot ng mga panganib sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran. Naglabas din ng implementing rules and regulations sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 1992-29. 

Nire-regulate sa ilalim ng RA 6969 ang mga waste electrical and electronic equipment (WEEE), na ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamabilis na lumalagong waste stream sa Pilipinas. Ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 naman ay nag-uuri ng consumer electronics tulad ng mga radyo, stereo at telebisyon, bilang mga espesyal na basura.

Ipinapakita sa Global Environment Report na ang bansa ay may humigit-kumulang 3.9 kilo ng e-waste per capita. Noong 2019 din, nakabuo ang Pilipinas ng kabuuang 32,664.41 metric tons ng WEEE, batay sa ulat ng EMB.

Tulad ng nabanggit, ang mga elektronikong basura ay naglalaman ng mga nakakalasong sangkap na mapanganib sa kalusugan ng tao, tulad ng mercury, lead, cadmium, polybrominated flame retardants, barium at lithium. Ang mga negatibong epekto sa kalusugan ng mga lason na ito sa mga tao ay kinabibilangan ng pinsala sa utak, puso, atay, bato at skeletal system.

Ayon sa datos ng United Nations, noong 2021, bawat tao sa planeta ay gumagawa ng average na 7.6 kilong e-waste, ibig sabihin, isang napakalaking 57.4 milyong tonelada ito sa buong mundo. 17.4% lamang ng elektronikong basurang ito, na naglalaman ng pinaghalong mga mapaminsalang sangkap at mahalagang materyales, ang maitatala bilang maayos na kinokolekta, ginagamot at nire-recycle. Maraming mga hakbangin ang isinagawa upang matugunan ang lumalalang suliraning ito, ngunit wala sa mga ito ang maaaring ganap na epektibo nang walang aktibong papel at tamang edukasyon ng mamamayan.

Isinasaad din ng International Telecommunication Union (ITU) na ang e-waste ay isa sa pinakamalaki at pinakamasalimuot na daloy ng basura sa mundo. Ayon sa Global E-waste Monitor 2020, ang mundo ay nakabuo ng 53.6 Mt ng e-waste noong 2019, 9.3 Mt (17%) lamang ang naitala bilang nakolekta at nire-resiklo. Ang e-waste ay naglalaman ng mahahalagang materyales, gayundin ang mga mapanganib na lason, na ginagawang ang mahusay na pagbawi ng materyal at ligtas na pag-recycle ng e-waste ay lubhang mahalaga para sa pang-ekonomiyang halaga gayundin sa kalusugan ng kapaligiran at ng tao. Ang pagkakaiba sa dami ng e-waste na ginawa at ang dami ng e-waste na maayos na nire-recycle ay sumasalamin sa isang agarang pangangailangan para sa lahat ng stakeholder kabilang ang mga kabataan na tugunan ang isyung ito.

Kaya kami sa KPML ay nananawagan sa ating mamamayan, pati na sa pamahalaan, na ngayong International E-WAste Day, na dapat pangalagaan ang kapaligiran at kalusugan ng mamamayan! E-waste sa ating bansa ay dapat pangasiwaang tama upang hindi magkasakit ang mamamayan!

Pinaghalawan:
https://www.genevaenvironmentnetwork.org/events/international-e-waste-day-2022/
https://www.denr.gov.ph/index.php/news-events/press-releases/1918-emb-national-policy-regulatory-framework-already-in-place-for-e-waste-mngt
https://currentaffairs.adda247.com/international-e-waste-day-2022-observed-on-14-october/

Huwebes, Oktubre 13, 2022

Pahayag ng KPML sa International Day for Disaster Risk Reduction

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY FOR DISASTER RISK REDUCTION
Oktubre 13, 2022

DISASTER RISK REDUCTION, ITAGUYOD!
PAG-IINIT NG MUNDO, HUWAG PAABUTIN 
SA 1.5 DEGREE CELSIUS!
ITIGIL ANG PAGGAMIT NG COAL AT FOSSIL FUEL!
NO TO FALSE SOLUTION SA CLIMATE CRISIS!
CLIMATE EMERGENCY, IDEKLARA! 
CLIMATE JUSTICE, NOW NA!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International Day for Disaster Risk Reduction (Pandaigdigang Araw upang Mabawasan ang Panganib sa Kalamidad) [malayang salin ng KPML]

Napakahalaga ng disaster risk reduction lalo na't ang ating bansa ay nakakaranas ng halos dalawampung bagyo kada taon, ayon sa datos. Tingnan natin ang datos ng mga namatay sa kalamidad sa Pilipinas. Ondoy at Pepeng (2009) na lubhang nakaapekto sa mahigit 9.3 milyong tao at nagresulta sa pagkawala ng 956 na buhay, na may higit sa 700 nasugatan at 84 na katao ang nawawala. Habang ang karamihan sa mga namatay na dulot ng tropikal na bagyong Ondoy ay dahil sa pagkalunod, ang mga naiulat na pagkamatay noong bagyong Pepeng ay dahil naman sa pagguho ng lupa.

Ayon sa Philippines National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 6,300 katao ang namatay sa pananalasa ni Yolanda (Nobyembre 8, 2013), 1,062 pa ang nawawala, at 28,688 ang nasugatan. May 5,902 ang namatay sa rehiyon ng Silangang Visayas (Rehiyon VIII), at 92 porsiyento ay mula sa Leyte.

Ang bagyong Ulysses (2020), nasa 9,343 pamilya o 37,261 indibidwal ang nasa evacuation shelters, kung saan ang kabuuang bilang ng mga apektado ay nasa 1.2 milyong pamilya o 4.9 milyong katao. Mahigit 100 ang naiulat na namatay.

Sa lindol sa Bohol (Oktubre 2013), naapektuhan ang mahigit 1.2 milyong tao, 222 katao ang namatay (195 sa Bohol), 976 ang nasugatan at walong katao ang nawawala. Mahigit sa 79,000 istruktura kabilang ang mga tahanan, kalsada, simbahan, paaralan at pampublikong gusali ang nasira, kung saan 14,500 ang ganap na nawasak, na nagresulta sa mahigit 340,000 na mga taong lumikas.

Sa puntong ito, hindi sapat na tawagin tayong "resilient" o kayang makatiis sa samutsaring kalamidad sa ating bayan, na nakakaangkop na tayo. Hindi natin kailangan ng papuri sa pagiging resilient, kundi ayusin ng pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng taumbayan ang paghahanda sakaling dumating ang kalamidad, nang mababawasan ang kamatayan, pagkakasakit at pinsala. Kaya dapat may alam tayo at may pakialam tayo sa disaster risk reduction. Kaya ano itong araw upang mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad?

Ang International Day for Disaster Reduction (IDDR) ay isang pandaigdigang araw na naghihikayat sa bawat mamamayan at pamahalaan na makilahok sa pagbuo ng mas maraming komunidad at bansang lumalaban sa kalamidad. Itinalaga ng United Nations General Assembly ang Oktubre 13 bilang International Day for Natural Disaster Reduction  bilang bahagi ng proklamasyon nito ng International Decade for Natural Disaster Reduction. Noong 2002, sa pamamagitan ng karagdagang resolusyon, nagpasya ang General Assembly na panatilihin ang taunang pagdiriwang bilang landas upang isulong ang pandaigdigang kultura ng pagbawas sa natural na kalamidad, kabilang ang pag-iwas, pagpapagaan, at paghahanda. Noong 2009, nagpasya ang UN General Assembly na italaga ang Oktubre 13 bilang opisyal na petsa para sa araw na ito (A/RES/64/200), at pinalitan din ang pangalan ng International Day for Disaster Risk Reduction.

Kaya ang KPML ay nakikiisa sa pagtataguyod ng disaster risk reduction sa sambayanang Pilipino upang mabawasan ang kamatayan, sakit at kapinsalaan sa pagdatal ng taunang bagyo sa ating bayan. Sana'y mas unahin ang kapakanan ng mga maralitang laging bulnerable sa ganitong mga sakuna.

Nagbabago na ang panahon, tumitindi na ang mga bagyo dulot ng pagbabago ng klima. Huwag na nating paabutin pa sa 1.5 degree celsius ang pag-iinit pa ng mundo. Dapat nang magdeklara na ang pamahalaan ng climate emergency upang mas matutukan ang ganitong isyu. Upang hindi na lumala pa ang pag-iinit ng klima, dapat nang itigil ang paggamit ng coal at fossil fuel. Huwag nang pondohan ang pag-iinit pang lalo ng mundo.

Pinaghalawan:
https://www.preventionweb.net/news/five-years-how-haiyan-shocked-world
https://www.philstar.com/headlines/2020/12/10/2062853/death-count-ulysses-rises-over-100-damage-now-p20-billion
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/bohol-earthquake-one-year-on
https://iddrr.undrr.org/
https://www.un.org/en/observances/disaster-reduction-day

Martes, Oktubre 11, 2022

Pahayag ng KPML sa International Day of the Girl Child

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL DAY OF THE GIRL CHILD
Oktubre 11, 2022

ALALAHANIN ANG MGA NAPASLANG NA BATANG BABAENG SINA
STEPHANIE NICOLE ELA, 7, STRAY BULLET, NEW YEAR, 2013
DANICA MAE GARCIA, 5, STRAY BULLET, WAR ON DRUGS, 2016
ALTHEA BARBON, 4, STRAY BULLET, WAR ON DRUGS, 2016
PANAGUTIN ANG MGA MAYSALA!
ITIGIL ANG KARAHASAN SA MGA BATANG BABAE!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa International Day of the Girl Child (o Pandaigigang Araw ng Batang Babae). Kung inaalala natin ang International Women's Day (Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan), hindi ba't mas maiging gunitain din natin ang pandaigdigang araw para naman sa mga batang babae?

Bilang pag-alala sa mga batang babaeng napaslang sa War on Drugs ni dating pangulong Duterte, tumigil tayo kahit dalawang minuto upang alalahanin ang mga biktimang batang babae. Alalahanin natin sina Althea Fhem Barbon, apat na taon, mula Guihulngan, Negros Oriental, at Danica Mae Garcia, limang taon, mula sa Lungsod ng Dagupan. Nariyan din ang istorya ng pagkamatay ni Stephanie Nicole Ella, pitong taon, na napaslang ng ligaw na bala sa Lungsod ng Caloocan noong Bagong Taon ng 2013. Hanggang ngayon ay wala pang nananagot o napaparusahan sa mga nagkasala sa kanila.

Pinagtibay ng United Nations ang Resolution 66/170 na nagtatalaga sa Oktubre 11 bilang International Day of the Girl Child. Oktubre 11, 2012 ang unang araw na ginunita ito. Sinusuportahan nito ang mas maraming pagkakataon para sa mga batang babae at pinapataas ang kamalayan sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian na kinakaharap ng mga batang babae sa buong mundo. Ang hindi pagkakapantay-pantay na ito ay kinabibilangan ng mga lugar tulad ng pag-akses sa edukasyon, nutrisyon, legal na karapatan, pangangalagang medikal, at proteksyon mula sa diskriminasyon, karahasan laban sa kababaihan at sapilitang pag-aasawa ng mga bata. 

Ang mga kabataang babae ay may karapatan sa isang ligtas, edukado, at malusog na buhay, hindi lamang sa mga kritikal na taon ng paglaki, kundi pati na rin sa kanilang pagtanda bilang  babae. Kung mabisang nasusuportahan sa mga taon ng pagdadalaga, may potensyal ang mga batang babae na baguhin ang mundo - kapwa bilang babaeng binibigyang kapangyarihan sa ngayon at bilang manggagawa, ina, negosyante, tagapayo, pinuno ng sambahayan, at pinunong pampulitika sa hinaharap.

Ang mga maralita, tulad ng mga kasapi ng KPML, ay maraming mga anak na babae na nais din naming maprotektahan, at mapalaki sila ng maayos, mapagtapos ng pag-aaral, at magkaroon ng paninindigan para sa makataong lipunan.

Kaya sa araw na ito ng Pandaigdigang Araw ng mga Batang Babae, kami'y nakikiisa sa lahat ng batang babae at kanilang mga magulang sa pagprotekta sa kanila, hindi lamang sa mga nagaganap sa lipunan, kundi maging sa kalikasan, tulad ng pagbabago ng klima. 

Mabuhay ang mga batang babae! Mabuhay ang mga kababaihan!

Pinaghalawan:
https://www.ucanews.com/news/children-are-the-innocent-victims-in-philippine-drugs-war/77099
https://newsinfo.inquirer.net/812366/bato-justice-for-slain-kids
https://newsinfo.inquirer.net/333839/girl-hit-by-stray-bullet-dies
https://www.un.org/en/observances/girl-child-day
https://www.unesco.org/en/international-day-girl-child

Lunes, Oktubre 10, 2022

Pahayag ng KPML sa World Mental Health Day

PAHAYAG NG KPML SA WORLD MENTAL HEALTH DAY
Oktubre 10, 2022

KALUSUGAN NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN!
MATAAS NA SUICIDE RATE, PIGILAN!
PAGDODROGA AT DEPRESYON AY DAPAT MALUNASAN!
KAGUTUMAN AT KABALISAAN, TUGUNAN!

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa World Mental Health Day o Pandaigdigang Araw ng Kalusugan sa Pag-iisip. Kung uunawain natin ito nang lampas sa pagtawag lang ng baliw sa isang tao, mas mauunawaan natin kung bakit dapat nating gunitain ang araw na ito. Hindi lamang ito tungkol sa mga pasyente sa Mental Hospital, kundi malaking problema ito ng lipunan na dapat tugunan.

Isa sa isyu ng mental health ay ang pagpapatiwakal, na isa sa pinakamabigat na isyu sa mundo. Sa Pilipinas, ang suicide rate noong 2019 ay 2.5 kada 100,000 populasyon. Maraming nagpatiwakal dahil sa samutsaring dahilan - nabigo sa pag-ibig, hindi nakapasa sa eksam, gustong makatakas sa problema, kagutuman, at iba pa.
 
Nariyan din ang isyu ng pagdodroga upang tumakas sa problema sa pamilya. Subalit ang mga nalululong dito ay hindi dapat basta patayin, tulad noong panahon ni Duterte, gamutin sila dahil ito'y problemang pangkalusugan. Marami rin ang nawalan ng mahal sa buhay noong martial law na hanggang ngayon ay hinahanap pa nila. Ang mga nakulong at nakalaya ay dapat mabigyang paghilom sa pamamagitan ng psychosocial na ugnayan, sa pagbabakasakaling malimutan ang mga naganap na tortyur at ilang taon ng pagkakulong.

Depresyon na dapat malunasan. Ang mga nadi-depress na maralita dahil sa samutsaring suliranin sa pamilya, nawalan ng tahanan dahil sa demolisyong walang relokasyon, nawalan ng tahanan at kagamitan dahil sa nasalanta ng bagyo, nawalan ng trabaho, hindi na mapakain ang pamilya, at marami pang problema, ay dapat lamang silang matulungan. Marami ring nababaliw dahil sa kagutuman at panggigipit sa kanila ng iilan.

Sa ganitong mga isyu, naisabatas sa ating bansa ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act na nilagdaan ni dating pangulong Duterte noong Hunyo 20, 2018.

Ang World Mental Health Day (Oktubre 10) ay isang pandaigdigang araw para sa pandaigdigang edukasyon sa kalusugang pangkaisipan, kamalayan at adbokasiya laban sa panlipunang istigma. Ito ay unang inalala noong 1992 sa inisyatiba ng World Federation for Mental Health, isang pandaigdigang organisasyon sa kalusugan ng isip na may mga miyembro at mga kontak sa higit sa 150 bansa. Sa araw na ito, bawat Oktubre, libu-libong mga tagasuporta ang pumupunta upang ipagdiwang ang taunang programa ng kamalayan na ito upang bigyang pansin ang sakit sa pag-iisip at ang mga pangunahing epekto nito sa buhay ng mga tao sa buong mundo.

Taun-taon, inaalala ng World Health Organization ang Oktubre 10 bilang World Mental Health Day, upang itaas ang kamalayan ng tao hinggil sa mga isyu sa kalusugan ng isip sa buong mundo at upang kumilos sa pagsuporta sa kalusugan ng isip. Ang tema para sa World Mental Health Day 2022 ay Making Mental Health and Well-Being for All a Global Priority'(o Gawing Pandaigdigan ang Pag-una sa Kalusugan ng Isip at Kapakanan para sa Lahat - malayang salin ng KPML).

Kaya sa araw na ito, World Mental Health Day, nakikiisa ang KPML sa lahat ng mga nakikibaka upang maging maayos ang kalagayan sa ating paligid, ugnayan sa isa't isa, at sa daigdig.

Pinaghalawan:
https://doh.gov.ph/press-release/DOH-ISSUES-GUIDELINES-ON-SUICIDE-PREVENTION-JOINS-WHO-AUSTRALIA-IN-THE-CALL-FOR-RESPONSIBLE-MEDIA-REPRESENTATION-OF-MENTAL-HEALTH-ISSUES
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2018/ra_11036_2018.html
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Mental_Health_Day

Pahayag ng KPML sa World Day Against Death Penalty

PAHAYAG NG KPML SA WORLD DAY AGAINST DEATH PENALTY
Oktubre 10, 2022

HUWAG IBALIK ANG PARUSANG KAMATAYAN!
RESTORATIVE JUSTICE AY PAIRALIN!

"at ang hustisya ay para lang sa mayaman..." 
~ ayon sa awiting TATSULOK ng Buklod

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa World Day Against Death Penalty o Pandaigdigang Araw Laban sa Parusang Kamatayan.

Panahon pa ng Lipunang Alipin ay may parusang kamatayan na, dahil hindi naman itinuturing na tao ang mga alipin, kundi pag-aari ng panginoong may-alipin na kung nais nitong patayin ay maaari na. Panahon din ng mga Romano ay may death penalty lalo na sa mga nagkasala, kung saan isang paraan ang ipako sa kurus, tulad ng ginawa kina Dimas, Hestas at Hesus. Panahon ng mga hari, tulad ng pagbitay kay Haring Louis XVI sa Pransya sa pamamagitan ng gilotin. Ang pagbitay ng mga Amerikano sa rebolusyonaryo at bayaning si Gat Macario Sakay ng Katipunan.

Subalit nitong Marso 2, 2021, pinagtibay ng House of Representatives ang House Bill No. 7814, na nagpapahintulot sa parusang kamatayan sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – ang pangalawang panukalang batas sa loob ng limang taon na nagmumungkahi ng pagbabalik sa parusang kamatayan na ipinasa sa Senado. Ngunit nabawasan ang suporta mula sa mga Senador na dati'y umaayon sa death penalty, kaya nababawasan ang panganib ng pagbabalik ng parusang kamatayan.

Hindi patas ang parusang kamatayan dahil napapaboran na naman nito ay ang mga mayayaman. Parehong nasentensyahan ng korte ng panggagahasa ng bata ang mahirap na si Leo Echegaray at ang mayamang kongresistang si Romeo Jalosjos. Si Echegaray ay nabitay, si Jaloslos ay nakulong, nakalaya, at nakatakbo muli bilang Kongresista. Kamakailan lang ay ikinulong ang isang matandang otsenta anyos na nagnakaw umano ng sampung kaing na mangga, subalit si Imelda Marcos na nakasuhan ng seven counts of graft ay hindi ikinulong. Nagpapatunay lang sa katotohanan sa isang liriko sa awiting Tatsulok, "at ang hustisya ay para lang sa mayaman." 

Hindi makatao sa kasalukuyang panahon ang parusang kamatayan, lalo na't may tinatawag na restorative justice. Ang Restorative Justice (o Pagpapanumbalik ng Katarungan) ay isang proseso kung saan ang mga nagkasalang nagsisisi na'y tumatanggap ng responsibilidad para sa kanilang maling ginawa, lalo na sa kanilang mga biktima at sa komunidad. Lumilikha ito ng obligasyon na gawing tama ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga biktima, ng mismong nagkasala sa batas, at ng komunidad sa paghahanap ng mga solusyon na nagtataguyod ng pagsasaayos, pagkakasundo at pagtitiyak. Kaya, ang proseso ng restorative justice ay aktibong nilalahukan ng biktima, ng nagkasala, at/o sinumang indibidwal o miyembro ng komunidad na apektado ng krimen upang malutas ang mga salungatan na nagreresulta mula sa kriminal na pagkakasala, kadalasan sa tulong ng isang patas at walang kinikilinganG ikatlong partido. 

Ayon sa datos na inilabas ng Amnesty International, sa ngayon ay inalis ng 110 bansa ang parusang kamatayan para sa lahat ng krimen; 7 bansa ang nag-alis ng parusang kamatayan para sa mga krimen sa karaniwang batas. Gayunpaman, ang limang pangunahing bansang maraming binitay sa mundo noong 2021 ay China, Iran, Egypt, Saudi Arabia, at Syria. Habang 28,670 indibidwal naman ang nasa ilalim ng sentensiyang kamatayan sa buong mundo sa pagtatapos ng 2021.

Dahil sa mga ito, ang KPML ay naninindigang hindi na dapat maibalik ang parusang kamatayan. 

Pinaghalawan:
https://worldcoalition.org/campagne/20th-world-day-against-the-death-penalty/
https://www.pgaction.org/ilhr/adp/phl.html
https://probation.gov.ph/restorative-justice/