PAHAYAG NG KPML SA WORLD MIGRATORY BIRD DAY
Oktubre 8, 2022
PANGALAGAAN ANG MGA MIGRATORY BIRD!
PROTEKSYUNAN ANG MGA DUMARAYONG IBON SA ATING BANSA!
Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa World Migratory Bird Day o Pandaigdigang Araw ng mga Ibong Himalhin tuwing ikalawang Sabado ng buwan ng Mayo at buwan ng Oktubre, na pumapatak ngayon sa Mayo 14 at Oktubre 8. Ang salitang himalhin ay Sebuwano sa migratory.
Ang World Migratory Bird Day ay isang taunang kampanya sa pagpapataas ng kamalayan na nagpapakita ng pangangailangan para sa pag-iingat ng mga migratory bird o ibong himalhin at ang kanilang mga tirahan. Mayroon itong pandaigdigang saklaw at isang epektibong gamit upang makatulong na itaas ang pandaigdigang kamalayan sa mga banta na kinakaharap ng mga migratory bird, ang kanilang ekolohikal na kahalagahan, at ang pangangailangan para sa internasyonal na kooperasyon upang pangalagaan ang mga ito.
Ayon sa pananaliksik, Light Pollution ang tema ng World Migratory Bird Day ngayong 2022. Ang artipisyal na liwanag ay tumataas sa buong mundo ng hindi bababa sa 2 porsyento bawat taon at ito ay kilala na negatibong nakakaapekto sa maraming uri ng ibon. Ang liwanag na polusyon ay isang malaking banta sa mga migratory bird, na nagdudulot ng disoryentasyon kapag lumipad sila sa gabi, na humahantong sa mga banggaan sa mga gusali, nakakagambala sa kanilang panloob na orasan, o nakakasagabal sa kanilang kakayahang magsagawa ng malayuang paglalakbay.
Ang mga solusyon sa liwanag na polusyon ay madaling makukuha. Halimbawa, parami nang parami ang mga lungsod sa mundo na gumagawa ng mga hakbang upang padilimin ang mga ilaw ng gusali sa mga yugto ng paglalakbay sa tagsibol at taglagas. Binubuo din ang mga alituntunin ng pinakamahusay na kasanayan sa ilalim ng Convention on Migratory Species upang matugunan ang lumalaking isyung ito at matiyak na ang aksyon ay gagawin sa buong mundo upang matulungan ang mga ibon na lumipat nang ligtas.
Winter is coming, ang sabi sa palabas na Game of Thrones, subalit totoo ito, dahil bago dumating ang tagginaw sa malamig na lugar, nag-aalisan doon ang mga ibon at pumupunta sa maiinit na lugar, kaya naglalakbay sila sa maraming lugar tulad ng Pilipinas upang hindi sila mamatay sa lamig sa panahon ng winter.
Kaya hayaan nating dumapo sa ating kalupaan ang mga migratory bird at huwag silang itaboy dahil may buhay din silang dapat igalang.
Pinaghalawan:
UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 450 at 784
https://blog.wcs.org/photo/tag/world-migratory-bird-day/
https://www.unep.org/events/un-day/world-migratory-bird-day-2022
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento