PAHAYAG NG KPML SA WORLD ANIMAL DAY
Oktubre 4, 2022
KUNG PINANGANGALAGAAN NATIN ANG KALIKASAN
AT PANINIRAHAN NG MGA TAO, HAYOP, IBON, AT ISDA,
PROTEKTAHAN DIN NATIN ANG MGA HAYOP,
LALO ANG NASA KATEGORYANG ENDANGERED SPECIES!
Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa paggunita sa World Animal Day o Pandaigdigang Araw ng mga Hayop. Isang araw bago ang World Animal Day ay inalala natin ang World Habitat Day, at binigyang diin na pangalagaan ang paninirahan ng mga hayop. Kung ang ating kalikasan ay ating dapat protektahan, dapat din nating protektahan ang mga hayop, lalo na ang mga nasa kategorya ng endangered species, tulad ng tamaraw sa Mindoro.
Ang World Animal Day, ay pinangunahan ng cynologist na si Heinrich Zimmermann. Inorganisa niya ang unang World Animal Day noong Marso 24, 1925, sa Sport Palace sa Berlin, Germany. Mahigit 5,000 katao ang dumalo sa unang kaganapang ito. Ang aktibidad ay orihinal na naka-iskedyul ng Oktubre 4, upang iayon sa araw ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng ekolohiya. Gayunpaman, hindi available ang venue sa araw na iyon. Ang kaganapan ay inilipat sa Oktubre 4 sa unang pagkakataon noong 1929. Bawat taon, si Zimmermann ay walang pagod na nagtrabaho sa pagsulong ng World Animal Day. Sa wakas, noong Mayo 1931 sa isang kongreso ng International Animal Protection Congress sa Florence Italy, ang kanyang panukala na gawing unibersal ang World Animal Day noong Oktubre 4 ay nagkakaisang tinanggap at pinagtibay bilang resolusyon.
Sa ating bansa ay kinikilala rin ang Oktubre 4 bilang Kindness to Animals Day sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 537 na nilagdaan ni dating Pangulong Carlod P. Garcia noong 1958. Ayon sa nasabing batas, "SAPAGKAT, ito ay para sa kabutihan ng bansa na paunlarin sa puso ng mga tao ang pakiramdam ng pananagitan sa mga di nagsasalitang hayop na tumutulong at naglilingkod sa sangkatauhan; SAPAGKAT, kinakailangang itanim sa isipan at puso ng ating mga kabataan ang mga kabutihan ng kabaitan, katarungan, at awa sa lahat ng buhay na nilalang upang kamumuhian nila ang lahat ng uri ng kalupitan sa kapwa tao at sa hayop." (salin mula sa Ingles ng KPML)
Ayon nga sa isang kasabihan, "Be kind to animals." Kaya ang mga kalabaw ng mga magsasaka ay dapat pangalagaan, ang ating Philippine eagle at iba pang hayop na nasa kategorya ng endangered species, ay tiyakin nating napoprotektahan. Huwag din nating sipa-sipain ang mga pusa o aso, kundi gawan ng paraan ang mga asong pag-aari na maturukan ng anti-rabis, at itali kung kinakailangan.
Mga pinaghalawan:
https://www.worldanimalprotection.org/world-animal-day
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Animal_Day
https://www.officialgazette.gov.ph/1958/09/30/proclamation-no-537-s-1958/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento