PRESS STATEMENT
KA PEDRING FADRIGON, KPML President
JULY 20, 2009
Ilulunsad naming mga maralita ang tunay na kalagayan ng bayan kasabay ng SONA ni GMA sa darating na Hulyo 27, 2009. Pinasisinungalingan namin ang ipinagyayabang ng pangulo na ramdam na raw ang kaunlaran. Oo, ramdam ng pangulo ang kaunlaran, ngunit siya lamang. Pagkat ramdam ng maralita ay patuloy na kahirapan.
Nang ipinangako ng pangulo sa kanyang unang SONA noong Hulyo 2001 na magkakaroon ng bahay ang bawat maralita sa pamamagitan ng 150,000 pabahay kada taon, hindi niya ito natupad, hindi pa dahil sa kakulangan ng badyet, kundi dahil hindi talaga siya seryosong tugunan ang problema sa pabahay. Sa katunayan, nasa 3.8 milyong pabahay ba ang backlog sa kasalukuyan. Nangako rin siyang tutugunan ang trabaho sa pamamagitan ng 1 milyong trabaho kada taon, ngunit ito’y hindi priming trabaho na makakakain ng tatlong beses ang pamilya sa bawat araw, kundi karamihan ay kontraktwal na matapos ang limang buwan na may mababang sahod ay wala na namang trabaho.
Nang ipinahayag ng pangulo sa kanyang SONA noong Hulyo 26, 2004 ang patakarang decongestion ng Metro Manila, maraming maralita ang naapektuhan at maraming bahay ang dinemolis. Nais ni GMA na paluwagin ang Metro Manila at tanggalin ang mga iskwater. Ngunit ang mga iskwater ay tao ring kagaya nating may karapatang mabuhay. Hindi sila mga hayop na basta na lamang itataboy.
Hindi ganap na tinutugunan ng gobyerno ang problema ng maralita, at kadalasan ay pabahay lamang ang solusyon nila sa iskwater. Ngunit kung mauunawaan lang nila kung bakit may iskwater, tutugunan nila ito ng tatlong sangkap: pabahay, hanapbuhay at serbisyo. Hangga’t ang isa sa tatlong ito ay wala, hindi pa rin natugunan ang problema ng maralita.
Sa ngayon, laganap pa rin ang kahirapan. Ayon sa datos ng IBON Foundation, 34% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas, o 30 milyon ang maralita, habang 65 milyong Pilipino o 80% ng populasyon ang nabubuhay lamang ng P100 bawat araw, o US$2 a day. Ayon naman sa National Statistics Coordination Board (NCSB), 1 sa 3 Pilipino ang maralita, o 32.9 sa populasyong 88.6 milyon ang naghihirap.
Dagdag pang pahirap sa maralita kung babaguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng Con Ass, dahil tatangkain ng mga kongresistang gawing 100% na pag-aari ng mga dayuhan ang lupa, media, eskwelahan, atbp. Kaya kung mangyayari ito, baka wala nang matirikan ng bahay ang ating mga kababayan dahil maraming lupa na ang pag-aari na ng mga dayuhan.
Matinding kahirapan ang dinanas ng maralita sa kamay ng administrasyong Arroyo: tumaas ang presyo ng bigas, nagtaasan ang tuition fee kaya di na nakapag-aral ang maraming dukha, mahal ang mga gamot kaya namamatay na lang ang maralita na di nagagamot. Kaya sa huling SONA ni Gloria, sabay naming tinutuligsa si Gng. Arroyo at ang kanyang mga alipores na trapo sa kongreso sa kanilang kawalang silbi sa bayan, kundi nagsisilbi lamang sila sa kanilang sariling interes at sa interes ng mga kapitalista. Galit na ang maralita sa kanila, kaya dapat lang silang ibitin ng patiwarik.
KA PEDRING FADRIGON, KPML President
JULY 20, 2009
STATE OF THE URBAN POOR ADDRESS, ILULUNSAD NG MARALITA

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento